Chapter 16

258 12 0
                                    

Sinamahan ko ang tiya ko Marisa sa pagtulog gaya ng hiling nito.Naupo ako sa couch sa tabi ng higaan nang tiya.Dahil sa namamahay ako kahit anung pilit kong ipikit ang mga mata ko ay hindi ako makatulog.Alumpihit ako sa pagkakaupo ko sa couch.

Nang may marinig akong lumagabog sa labas.Isang malakas na tunog na siyang nagpatayo sa akin.Sinilip ko muna ang tiya ko na mahimbing nang natutulog bago ako lumabas ng pinto at tingnan kung ano ang tunog na iyon.

Una kong pinuntahan ang katabing kuwarto..ang kuwarto ng mga bata.Nang buksan ko ang pinto at silipin ito ay mahimbing natutulog ang dalawang matanda.Pagkatapos ang master's bedroom naman pero mahimbing din na natutulog ang mag aama ko.

Ano kaya ang ingay na yun ? Saan galing kaya yun ? Baka magnanakaw ito at napasok kami.Baka ninanakaw na ang mga gamit namin sa garahe.

Agad ay bumaba ako ng hagdanan at silipin ang mga gamit namin sa garahe.Binuksan ko ang bintana sa sala.Tinanawan ko ang mga gamit namin pero kumpleto naman ito.Naroon pa rin ang mga gamit namin.Isinara ko na ulit ang bintana.

Paakyat na sana ako ng hagdan galing sa sala nang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Isang babae ang paakyat nang hagdanan ang nakikita ko.Nakatalikod ito at lampas balikat ang buhok nito.

Naalarma ako.Napasigaw ako."Hoy ! Sino ka ? Anong ginagawa mo dito sa bahay ?"

Nagpatuloy ito sa pag akyat sa hagdanan.

"Magnanakaw ka nuh !?"sigaw ko.

Pero parang bingi ang babae.Patuloy ito sa pag akyat ng hagdanan.

Sinundan ko ang babae.Mabilis akong umakyat ng hagdanan.Nakaakyat na sa taas ang babae at parang alam nito ang direksyon na patutunguhan.Papunta ito sa kuwarto ng tiya Marisa ko.

Nakapasok na sa kuwarto ng tiya ko ang babae kaya napatakbo ako papunta doon.Pagpasok ko sa loob ay wala akong nakitang babae.Nilibot ko nang tingin ang paligid ng kuwarto ay wala akong nakitang babae.

Sino ang babaeng yun ? Bakit bigla siyang nawala ? tanong na naman ng isip ko.

Tiningnan ko ang tiya mahimbing pa rin ang tulog nito.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa couch at ipinikit ko ang mga mata ko.Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

to be continued..

next update next week...

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon