Chapter 2

468 13 0
                                    

    Miguel POV

                 Maayos namang hinarap nito ang mga bata.Pinapakain na niya ang bunso naming si Ana.

          "Patawarin niyo na ang Mama mga anak at hindi ako nakapagluto ng agahan."sabi nito habang sinusubuan ng papayang dinurog si Ana.

          "Ayos lang po yun Mama."si Lanie ang pangalawa namin.

          "Maganda ang  binili mong bestida sa akin Mama."si Marisa."natipuhan ko po ito."nakangiti ito.

         "Talaga ?"si Andrea nakangiti rin ito.

           Tumango si Marisa

           "Ako rin po Mama..maganda po yung blusang pinili niyo para sa akin."si Lanie..nakangiti rin ito.

           Napakagandang pagmasdan ang mga mag iina ko pero tama nga kaya ang pagdudahan ang kanilang ina.

          Nagdududa ako.. gaya ng sinabi ni Aling Lisa na may lalake ang asawa ko.

         Pero tama bang pagdudahan ito ng wala akong nakikitang pruweba ?

         Nagbago na kasi ang mga kinikilos nito simula nang payagan ko ito isang umaga na pumunta ng bayan para mamili pero hapon na ito nakabalik.

         Tinanong ko siya kung bakit hapon na siya nakabalik pero ang sabi niya sa akin marami daw tao sa bayan.

          Alam kung maraming tao sa bayan pero hindi dapat ang aabutin ka ng hapon para mamili lang.Mga isa o dalawang oras na pamimili ay sapat na.

         Naulit ng naulit ang mga ganoon pangyayari pero binabale wala ko lang.

        Minsan kinuwestyon ko siya pero galit ang sinagot nito sa akin.

         Ang sabi niya kung pinagdududahan ko daw ba  siya.Malakas ang loob niyang sinabi sa akin na "maghiwalay " na kami.Parang ayos lang sa kanya ang salitang iyun pero sa akin isang malaking insulto yun. Isang malakas na sampal ang ibinigay  ko sa kanya.Nabigla ako sa ginawa ko kaya agad ako humingi ng pasensiya.Hindi siya kumibo o nagsalita.Dahil sa ginawa kung yun lalo siyang nagbago.

         Hindi niya ako kinikibo o kinakausap man lang.Bihira niya akong kausapin..siguro dahil sa nagawa ko sa kanya.

           Pag nakainom naman ako o lasing...kinabukasan hindi niya kinakausap o kinikibo.Nagtataka ako sa kanya.Samantala dati kapag lasing ako..kinakausap ako nito.

         Bakit kaya nagbago ang pakikitungo ni Andrea sa akin?

         Parang hindi ko na siya asawa.Parang hindi na siya si Andrea na nakilala ko noon.

       

        

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon