Chapter 19

231 12 0
                                    

Mark POV

Pagkatapos namin kumain nang almusal ay sinimulan na namin ni Mang Matias ang paghahakot nang mga gamit paakyat sa mga kuwarto.Ang asawa ko at si Aling Bining naman ay abala sa pag aayos nang mga naiakyat namin na kasangkapan habang ang dalawang bata ay abala sa pag aayos at pagtitiklop nang mga kanilang damit sa kanilang aparador sa kanilang kuwarto.

Dahil sa sobrang pagod ay nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam ako kay Mang Matias na iinom muna ako nang tubig.Pumayag naman ito.Naiwan ang matanda sa kuwarto namin na abala sa pag aayos ng iba pang kasangkapan.

Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba nang hagdanan.Nagtuloy tuloy ako sa kusina.Pagdating sa kusina ay nakadama ako ng kilabot.Parang may kasama ako dito.Parang may nakamasid sa akin.Nakaramdam ako nang takot.Binalewala ko ang nararamdaman ko.Kumuha ako nang baso sa dispenser at binuksan ang refrigerator.Kinuha ko ang pitsel at nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ko ito.Pagtalikod ko na sanay ilalagay ko na ang baso sa lababo ay natigilan ako !

Nakaharap ko ang isang lalakeng hindi ko kilala.Nalaglag ang baso kaya nabasag ito sa sahig.

"Layuan mo si Andrea kung ayaw mong masaktan!"sabi nito.

Kumunot ang noo ko."Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay namin?"tanong ko sa lalake.

"Tandaan mo sinasabi ko sayo..layuan mo ang asawa ko !"sabi nito na mukhang galit na galit.

Nagalit na rin ako."Siraulo ka ba ?Sinong asawa pinagsasabi mo ?! "

Nabigla ako sa sunod na ginawa nito sa akin.

Sinakal niya ako.

Ang higpit nang pagkakasakal niya sa akin.

Hindi ako makahinga.

Nang parang may tao akong naririnig papunta sa kusina.

"Mark..anong nangyayari ?"sabi nang boses.

Si Cecile.

Nawala ang taong sumakal sa akin.Naglaho ito.

Nakahinga na ako nang maluwag.

Nagsalita ako."Sinakal ako nang isang lalake Cecile at galit na galit ito."

Cecile POV

Lumabas ako nang kuwarto para magpatulong kay Mark sa pagbubuhat ng kama para maiayos nang puwesto ang mga ito.Pero si Mang Mathias lang ang nakita ko sa magiging kuwarto namin ni Mark.Tinanong ko ang matanda kung nasaan si Mark at nagsabi ito na nasa kusina si Mark at nauhaw daw ito at gustong uminom nang tubig.

Pababa na ako nang hagdanan ay nakarinig ako nang ingay sa kusina..tunog nang pagkabasag ng baso o plato.

Nagmadali akong bumaba nang hagdanan.

Dumeretso ako nang kusina.

Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Sinasakal nang isang anino si Mark.

Hugis tao.

Nagsalita na ako."Mark..anong nangyayari ?"tanong ko.

Nakita ko na mabilis na tumakbo ang anino palabas nang kusina at bigla itong nawala.

Tumakbo ako agad kay Mark.Humihingal ito nang lumapit ako.

"Sinakal ako ang isang lalake Cecile..galit na galit ito."sabi nito sa akin.

Niyakap ko nang mahigpit si Mark.

At inalalayan ko siyang maupo sa bangko malapit sa dining table.

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon