Chapter 6

404 13 0
                                    

   Andrea POV

          Ala una y medya ng tanghali.Nandito na ako sa may tabing dagat.Ngayon na ang oras para sa pagsasabing gusto ko na siyang makapiling at makasama siya.

         Dumating na si Edward.Humalik ako sa labi nito.Matagal ang aming halikan.Umabot siguro ng tatlong minuto.

       "Nasasabik akong makita ka Edward."sabi ko.

       "Ako din Andrea..mahal ko."sabi ni Edward sa akin.

        "Mahal na mahal kita."sabi ko

        "Mahal na mahal din kita."sabi din nito.

        Sinabi ko na sa kanya ang aking plano.

       "Gusto kong magsama na tayo Edward.Gusto ko nang iwan si Miguel ."pagtatapat ko.

       Nabigla ito sa sinabi ko.

      "Hindi ka ba natutuwa at magkakasama na tayo?"tanong ko.

       Ngumiti ito at tumawa.

       "Gusto ko..gustong gusto ko!"si Edward."Pero papaano na si Miguel at mga anak mo?"

       "Malalaki nang anak ko.Si Ana ang aking bunso ay kaya naman  alagaan ni Miguel ito."katwiran ko.

        "Bukas ay tatawagan kita sa iyong telepono at sasabihin ko sayo kung saan tayo magkikita."dugtong ko pa.

        Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit.

        Hinalikan ako ulit nito sa aking labi.

 

Miguel POV

           Taksil na asawa ! Ang walang hiya nagawa akong pagtaksilan !

           Totoo pala ang sinabi ni Aling Maring na may lalake ang asawa ko.Nandito ako sa isang sulok para magmasid sa ginagawa ng aking taksil na asawa.

          Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila maghalikan at magyakapan !

           Nadurog ang puso ko at hindi ako makahinga dahil sa sakit ng dibdib .

          Gusto kong makalimot ! Gusto kong makalimot sa ginagawang pagtataksil ng aking asawa !

         Umuwi ako sa Nanay ko at nagpakalasing ako ng husto.

          Humanda ka sa akin Andrea.Patay ka sa akin !

      

      

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon