Chapter 10

407 13 0
                                    

  Andrea POV

             Mga kalahating oras akong naghintay sa pagdating ni Edward.

             Nang may narinig akong may kumatok sa pinto.

             Sana si Edward..nausal ko.

             "Andrea !"sigaw nito.

             Salamat sa Diyos at si Edward nga !

            Agad akong lumapit sa pinto at sinigawan ko ito.

             "Nandito ako sa kuwarto Mahal..kinulong niya ako dito sa kuwarto..tulungan mo akong makalabas !"sigaw ko.

            "Paano kita mabubuksan ?Wala akong hawak na susi para mapagbuksan ka."ganting sigaw din nito.

            "Sa kusina may mga susi doon..may duplikadong susi itong kwarto .Dalian mo Edward bago pa dumating si  Miguel."utos ko.

            "Sige !"sigaw na sagot nito.

            Maya maya pa ay tumahimik na ang nasa  pinto.Diyos ko..sana makalabas ako  nang makaalis na kami ni Edward dito..nausal ko.

            Nang may pumihit ng seradura ng kwarto.Nabuksan ito at bumulaga sa harap ko si Edward !

          "Edward !" Niyakap ko ito ng mahigpit.

           Hinalikan ako sa labi ni Edward.

          "Makakalis na tayo sa bahay na ito !"sabi ko.

          "Matatakasan na natin ang asawa mo."sabi nito.

           Nang may narinig kaming boses !

          "Nagkakamali kayo...mga taksil ! Mga walanghiya kayo !"si Miguel agad sinuntok si Edward.

           Napasigaw ako sa takot.Napatimbuwang si Edward sa sahig.

            Agad tumayo si Edward at gumanti rin ito ng suntok kay Miguel.

           Napatimbuwang din sa sahig si Miguel pero agad ding tumayo ito.

          Nagpatimbuno ang dalawa.Lakas sa lakas.Lalake sa lalake.

           Sinuntok ng malakas ni Edward si Miguel dahilan para bumagsak ito sa sahig.

          "Halika na Andrea..tumakas na tayo dito !"utos nito sa akin.

           Sinilip ko si Miguel.Hilo ito.

           Hinila ako sa kamay  ni Edward at sabay kaming bumaba ng hagdanan.

            Sumigaw si Miguel."Hindi ninyo ako matatakasan ! Mamatay kayo ! Magsama kayo sa impiyerno !

            Napahinto kaming dalawa.

            Pumutok ang baril.

             Bumulagta sa sahig si Edward.Duguan ito.

              Napasigaw ako."Edward !"at humagulgol ako ng iyak.Patay na ito.

           "Gusto mong sumunod sa kanya di ba?"tanong ni Miguel habang dahan dahang bumababa ng hagdanan.

            "Patayin mo na rin ako !"sigaw ko.

            Sumagot si Miguel."Kung yan ang gusto mo...masusunod taksil  kong asawa."

             Kinalabit nito ang gatilyo ng baril at pumutok ito.

             Tinamaan ako sa  dibdib.

   

              Masakit.Makirot.                            

              Dumudugo ito kasabay ng unti unting pagbagsak ko sa sahig sa tabi ni Edward.

             Unti unting nanglalabo ang aking paningin hang gang sa wala na akong makita pagkatapos ...isa na itong BLANGKO.

Miguel POV

              Patay na ang dalawang taksil.Wala na rin silbi ang buhay ko.Ayos naman ang magiging kalagayan ng mga anak ko sa Nanay.Puwede ko na rin wakasan ang buhay ko .Itinutok ko ang baril sa sentido ko.Paalam sa inyo.

              Nang may narinig akong boses .

              Paalam na sa inyo..wawakasin ko na rin ang buhay ko.

             Narinig ko na naman ang boses.

             Pinihit ko na ang  gatilyo.

             Bumulaga sa harap ko ang ang anak kong si Marisa."Papa huwag po !"sigaw nito.

              Pumutok ang baril.

              Bumagsak ako sa sahig.

              Nakikita ko pa sa nanglalabo kong paningin ang pag iyak ng anak ko.

              Humahagulgol ito.

              Kasunod ng paglabo ng paningin ko ang isang malaking BLANGKO.

             

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon