Chapter 24

44 3 0
                                    

Nang mahimasmasan si Mark ay nagpunta ako ng kusina at nagbukas ng refrigerator.Kumuha ako ng pitsel na may tubig saka isinalin sa baso at kaagad pinainom sa kanya.
        Tinitigan ko siya.
        Napayakap sa sarili si Mark sabay buntong hininga.Nakaupo siya sa sofa samantala ako ay nakahalukipkip ang magkabilang braso nakamasid sa kanya.
        Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.Tinanong ko kaagad siya."Anong nangyari sayo ?"sabi ko.
         Umiling siya."Ewan ko.Hindi ko alam."nagkibit balikat ito.
       "Pilit mo akong isinasama palabas nang bahay Mark."simula ko.
       "Ewan ko.Hindi ko alam ang nangyayari Cecile."si Mark mataas na ang tono ng boses nito.
        "Paanong hindi mo alam eh hinihila mo ako palabas... tapos nagsasalita ka nang isasama mo ako dahil darating na ang asawa ko !"sumbong ko.
      Nagsalubong na ang kilay ni Mark.Nakikita ko na rin na nakakunot na rin ang noo nito."Ewan ko nga Cecile.Bakit ba ang kulit mo!?"Ano bang gusto mong isagot ko sayo ?!"halatang nainis na ito sa akin.
    Tumahimik na ako.
     Katahimikan.
    Nang magsalita si Mark."Naaalala ko na."sabi nito.
    Ako naman ang nagkunot ng noo."Ang alin?"tanong ko.
     "Kanina habang nagkukuwentuhan tayo ay may nakita akong lalake.Masama ang tingin niya sa akin.Parang galit na galit.Para bang gusto akong saktan."kuwento nito.
       Napaupo na ako sa sofa.
       Nagpatuloy ito sa pagkukuwento."Habang tinititigan ko siya ay papalapit nang papalapit siya sa akin kasabay nang panglalamig ng katawan ko.Nanginginig ako pagkatapos nun wala na akong maalala.Nagulat ako nang paggising ko nasa sahig na ako at nakita kang taranta habang inaalalayan mo ako papunta sa loob ng bahay."paliwanag nito.
         Hinawakan ko ang kamay nang asawa ko.
         Isa lang ang sumagi sa isip ko.
        Totoo nga ang naramdaman ko kanina sa kanya.Sinasapian nga ito.
       Sino ang sumapi sa kanya?
       Ang lalakeng walang mukha?
        O ang lalakeng sumakal sa kanya ?
       Ewan ko.Hindi ko na alam.Bakit yata kababagong lipat lang namin dito sa bahay ni tiya ay agad kaming pinararanas nang ganito.Hindi ito ordinaryo.
         Nagsalita ako.Hinigpitan ang hawak sa kamay nang asawa ko."Sinapian ka Mark."sabi ko."Sa maniwala ka man o hindi..pero totoo."
       Tinitigan ako ni Mark."Maliban sa atin..meron pang nakatira dito.Hindi ordinaryo Mark."paliwanag ko.
      "Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Mark sa akin.
       "May multo sa bahay ni Tiya."yun lang ang nasabi ko."at sila ang nagpaparanas nang takot at tensiyon dito sa bahay."
       Tapos nung nagkatitigan kaming dalawa nang asawa ko.Nag iisip kami pareho kung paano nangyari sa amin ito.
     
    
       
          

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon