Chapter 8

430 12 0
                                    

Andrea POV

             Alas otso na ng gabi ay wala pa si Miguel.Dapat ay alas singko ay nandito na ito sa bahay subalit wala pa ito hanggang ngayon.

           Habang kalong ko si Ana ay  bumaba ako ng hagdan.Naabutan ko pa rin ang dalawang bata na nanonood ng telebisyon.

            Nang kumalabog ang pinto.Bumulaga sa pinto si Miguel..lasing na lasing ito.Nagulat kaming tatlo.

           Pinahawak ko kay Lanie ang bunso ko at inalalayan ko si Miguel sa paglalakad.

          Pero nagulat ako sa ginawa nito sa akin.Tinapik ang kamay ko at lumipad ang kamay nito sa mukha ko.

        Sinampal ako ! Nagulat ang dalawang bata sa ginawa ng Papa nila.

        Hawak ang pisngi ko ay nagtanong ako sa kanya.

        "Bakit mo ako sinampal Miguel ?"

          Sumigaw ito."Mangloloko ka ! Isa kang taksil !"

          Nagulat ako.Nakatingin lang ang dalawang bata sa amin.Halatang naguguluhan sa pangyayari.Umiiyak na si Ana.

         "Nakita ko may lalake ka !!"sigaw nito.

          Napipi ako.

         "Ano ! natahimik ka ? Totoo di ba?"dinuduro ako nito.

         Wala akong masagot.Tahimik ako.

         Nanginginig ang tuhod ko.

         "Sumagot ka malanding babae !"sigaw nito.

         Napatingin ako kay Marisa.Nakatitig lang ito sa akin.Waring nagtatanong ang mga mata nito.Gayon din si Lanie.Hindi tumitigil sa pag iyak si Ana.

        Nagulat ako sa sumunod na ginawa sa akin ni Miguel.Sinabutan ako nito sa buhok at  hinila hila sa hagdanan paakyat papuntang kuwarto.

       "Miguel aray ko."daing ko."Nasasaktan ako !"

       Gusto sanang umawat ni Marisa pero pinigilan ito ni Miguel.

       "Subukan mong umawat ..masasaktan ka rin sa akin."banta nito.Napahinto ito.

       Hila hila ako ni Miguel habang sabunot nito ang buhok ko.Nanginginig talaga ang dalawang tuhod ko sa takot !

         Nakatingin sa aming dalawa ang mga bata.Nakita ko si Marisa na napahagulgol ng iyak at si Lanie na umiiyak na rin habang pinatatahan si Ana.

        Binuksan ni Miguel ang pinto ng kuwarto namin at binalibag ako nito sa kama.Nasaktan ako.

       Pinilit kong bumangon pero sinampal ako nito.

        Napahiga ako ulit sa kama.Humagulgol na ako ng iyak.

        Sinabunutan ni Miguel ang buhok  ko at pilit na pinaharap ang mukha ko sa mukha niya.

         "Kaya pala parang nanglalamig ka sa akin dahil sa may lalake ka.Nakita kita kanina sa may tabing dagat  at inalam ko kung anong gagawin mo yun pala makikipagkita ka lang sa lalake mo !"sabi nito."Sino yang lalake mo !?"sigaw nito.

         Tahimik ako.Hindi ako agad makasagot.

        Sinampal ako ulit nito.Napahiga ako ulit sa kama.

       "Siya si Edward..ang kasintahan ko bago pa kita nakilala !"sigaw ko rin."Matagal na akong nagtitiis sayo Miguel.Ang pagsusugal mo at ang pananakit mo sa akin pag nalalasing ka  ay hindi ko na matagalan ! At pag may mali dito sa bahay ay kasalanan ko !"

        Napatitig sa akin si Miguel.Matalim ang titig nito sa akin.

         "Hindi mo pala ako mahal Andrea."Umiiyak na ito."Dahil kong mahal mo ako matitiis mo kung anumang problema dito sa bahay na ito !"

         Umiiyak na rin ako.

       "Kung mahal mo ako..matitiis mo ako...tatanggapin mo kung sino o ano ako !?"dugtong pa nito.

        Kinuha nito ang susi sa drawer ng tokador ko.

       "Babalik ako..Andrea.Hindi pa tayo tapos."sabi nito.

       "Bakit ? Anong gagawin mo ?"tanong ko.

       "Pahahakot ko na ang mga gamit ng bata..doon muna sila sa bahay ng Nanay titira."paalam nito.

         Saka ito lumabas ng kuwarto at tsaka isinara at  kinandado ang pinto.

         Pagkatapos nito ay agad agad kong pinihit ang telepono ..tatawagan ko si Edward.Kailangan makatakas na kami dito !

        

        

      

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon