Chapter 25

42 3 0
                                    

Pinagpahinga ko na muna sa sofa si Mark.Pinagpatuloy ko ang pagluluto.Inulit ko ang paggisa dahil sa nasunog nga ito.Sinilip ko sa sofa si Mark.Dala marahil sa nangyari kanina ay nakatulog ito.
       Ano ba ang meron sa bahay na ito ?Naalala ko ang sabi ni Aling Bining ay may nagmumulto dito sa bahay.Tatlo daw ang multo dito.Naalala ko ang nabanggit niya na may dalawang lalake at isang babae.Mag ingat ako sa isa at iwasan ko naman ang isa.At nagbanggit pa siya na mabait at magiging tagapagbantay nang mga anak ko ang babae.Sino ba sila ? At kanina may nabanggit si Mark na pangalan.Ano nga ba yun ? Andrea.Tama.Si Andrea nga ! Pero sino ba siya? Bakit ako ang tinatawag niyang si Andrea?
       At sino ang lalakeng sumapi sa asawa ko? Ang lalakeng sumakal sa asawa ko o ang lalakeng walang mukha ?
Naguguluhan ako.
       Kausapin ko kaya si Aling Bining ?Nag iwan ito nang cell number sakin bago sila umalis mag asawa.Mamaya pagkatapos ko dito magluto at pagkakain ay tatawagan ko siya.
      Natapos akong magluto.Hinatiran ko na muna ng pagkain ang tiya Marisa at pinakain.Pagkatapos kumain ay pinasabay ko na ang mga bata sa pagbaba nang hagdanan.Ginising ko na rin si Mark.Nagsiyakap ang mga bata sa tatay nila at nagkukuwentuhan.Habang naghahain ako ay nakikita kong nagtatawanan ang mag aama ko.Napangiti ako sapagkat parang wala na ang bakas nang takot at tensiyon kanina..napalitan ito nang saya.        Tinawag ko na sila."Tama na yan..magsikain na tayo."yaya ko sa mag aama ko.
     Lumapit ang mga ito sa dining table na masaya at nagtatawanan.Dahil dito ay lumipas ang naramdaman kong pangamba.

      Sinimulan kong idayal ang numerong binigay ni Aling Bining sa akin.Nag riring ito.Matagal.Makailang ring ay narinig kong may nagsalita sa kabilang linya.
      Boses nang matandang lalake.Si Mang Matias ito.Nabosesan ko."Hello Mang Matias..si Cecile po ito.Nariyan po ba si Aling Bining ? Puwede ko po ba siyang makausap ?"pasuyo ko.
       Nabosesan yata ako nang matanda at nagsalita."Ikaw pala yan Cecile..at sandali lang may binili lang sa tindahan si Aling Bining mo."sagot nito sa kabilang linya.
      Sumagot ako."Ok lang po..hihintayin ko."sabi ko.
     "Kamusta naman kayo dyan?"tanong ng matanda sa akin.
      Natahimik ako.Hindi ko alam ang sasabihin.
      Nagsalita ang kabilang linya."Iha..nandyan ka pa ba?"tanong nito.
       Napilitan akong sabihin kay Mang Matias ang totoo."Eh Mang Matias may problema po ako sa bahay."
        "Ano naman ang problema sa bahay ng Tiya Marisa mo?"tanong nito."Ay sandali nandito na si Aling Bining mo..heto at kausapin mo."at halatang ipinasa niya ang cellphone dahil ibang boses na agad ang narinig ko..boses na ni Aling Bining."Hello Cecile..iha..napatawag ka..may problema ba?"tanong nito sa kabilang linya.
    Bumuntong hininga ako.Malakas.Ewan ko kung narinig ng matanda."Tungkol po kasi sa bahay."pasimula ko.
     "Bakit ? Anong problema nyo sa bahay ?"tanong nito.
       Sumagot ako."Yun tungkol po sa multo na binabanggit niyo sa bahay."sabi ko.
        "Ah yung multo sa bahay..naku anak napaka ordinaryo na sa aming mag asawa yun.Nasanay na kami."paliwanag ng matanda.
       Napakunot ang noo ko."Paanong ordinaryo?"tanong ko.
       "Madalas na may naririnig kaming boses sa may sala na may nag aaway pero kung titignan mo wala naman at yung ingay sa baba madalas sa kusina na akala mo may nagdadabog..naku iha nasanay na kami."paliwanag nito."wala yun !"patuloy nito.
          "Eh Aling Bining hindi po yun ang nararanasan namin sa bahay."sabi ko.
     Halatang natahimik ang matanda sa kabilang linya.Nagtaka."Paano mo nasabi yan?"tanong nito.
     "Madalas pong may nagpapakita sa amin na lalake.Yun una sa asawa ko..sinakal po siya tapos sa mga anak ko nagpakita po ito nang walang mukha.Kanina naman sinapian si Mark nang hindi ko alam o kung sino..natatakot na po ako."paliwanag ko sa kanya sa kabilang linya.
       Natahimik na naman ang nasa kabilang linya.
       "Hello..aling Bining ! Nandyan pa po ba kayo?"tanong ko.
     Nagsalita ang nasa kabilang linya."Mag ingat kayo !"halatang natakot ito.Nanginginig ang boses.
       "Paanong mag ingat?"tanong ko.
       "Naalala mo ang sinabi ko sayo.Na mag ingat ka sa isa at iwasan mo ang isa."paliwanag nito.
        "Anong pong gagawin ko?"tanong ko.Parang kinabahan ako sa sinabi ng matanda.
       "Dalawang lalake ang nagmumulto sa bahay ninyo Cecile.Mapanganib ang isa at isa naman ay pilit kang gagambalain."tanging nasabi nito.
      Nanginig na ako sa takot."Sino po ba sila?Kilala ko po ba sila?"sunod na tanong ko sa matanda.
   "Oo..kilala mo sila."sagot nito.
   "Eh kung kilala ko sila.Sino sila?!"takang tanong ko.
    "Kausapin mo ang Tiya Marisa mo."tanging nasabi nito at naputol na ang kabilang linya.

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon