Chapter 26

88 3 2
                                    

Lutang ang isip ko sa mga pinagsasabi sa akin ni Aling Bining.Kaya hindi ko sinasadya na mabasag ko ang porcelain jar na nakadisplay sa sala.Pag pasok ko kasi sa loob ng bahay ay sumalampak ako kaagad sa sofa at hindi sinasadyang matabig ko ang porcelain jar.Hindi kasi ako makapaniwalang alam nang tiya Marisa ko ang tungkol sa multo na naninirahan sa bahay.Sino sila? Bakit nila kami ginugulo ? Nakakaistorbo ba kami sa kanila ?Niwalis ko ang nabasag na jar at pagkatapos ay umupo ulit ako sa sofa.
       Naputol ang iniisip ko nang tinapik ako ni Sheila.Nagsalita ito."Mama anong iniisip mo?"tanong nito.
       Umupo na rin sa tabi ko ang bata.
       Hindi ko siya sinagot.Tinanong ko rin siya."Nasaan si Papa at si Sandra?"
        Sumagot ang bata."Nasa kuwarto po sila nanonood ng tv."
         Hinawakan ko ang baba nang bata at iniangat ito."Harapin mo si Mama at makinig ka sa akin anak."sabi ko at harapan kaming nag uusap.
          "Ano po yun Mama ?"tanong nito.Binitawan ko na ang baba nito.Humarap na siya sa akin.Mukhang interesado naman itong makinig sa akin.
      "Ano man ang mangyari..huwag mong pabayaan ang kapatid mo."bilin ko.
       Nagtaka ang bata.Nagsalita ito."Bakit mama ? Ano po bang nangyayari?"tanong nitong parang matanda na kausap ko.
       Sumagot ako."Basta anak..lakasan mo ang loob mo.Kailangan mong maging matapang."sabi ko.
      Ewan ko parang matanda na itong anak ko na kinakausap ko.Natutuwa naman ako at para bang naiisip niya at nauunawaan ang mga pinagbibilin ko.
      Yumakap ang bata sa akin at nagsalita."I love you Mama..pati na rin si Papa."paglalambing nito.
       Gumanti na rin ako ng nang yakap at nagsalita."I love you din anak.Love ka rin ni Papa."sabi ko.Dahil sa ganitong eksena ay hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak.

            Kumatok ako sa pinto nang Tiya Marisa ko.Narinig ko ang boses nito."Pasok !"ang sabi nito.
        Pumasok ako sa loob ng kuwarto.Nakita kong nagbabasa ito ng libro.Hindi ko alam kung anong klaseng libro ang binabasa nito kasi bigla na lang niya itinago sa ilalim ng unan niya."May sasabihin ka sa akin Cecile?"tanong ng tiya sa akin.
       Napansin kong parang lumalakas na ang tiya ko.Parang bumabalik na ang sigla nito.Napaisip ako kung bakit bigla itong lumakas.Dahil ba ito sa amin ? O dahil sa mga sinabi sa akin ni Aling Bining?Totoo kayang alam ng tiya ko ang  pagpaparamdam sa amin ng multo sa bahay ?
     Ang pinagtataka ko kilala ng tiya ang nagmumulto dito ?Sino sila? Bakit kilala niya ?
       Naputol ang mga iniisip ko nang magsalita si tiya."Iha..may sasabihin ka ba ?" ulit na tanong nito sa akin.
      Parang natauhan ako sa nangyari.Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko?
Bumuntong hininga ako at naglakas nang loob na magsalita.Kailangan kong malaman ang lahat.Kung totoo bang may kinalaman ang tiya ko sa mga multong nakatira dito sa bahay.
     "Sino po si Andrea ?"ewan ko kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.Nagulat ako.
       Hindi lang pala ako ang nagulat..pati rin si tiya.Nakita kong parang nababad sa suka ang mukha nito.Ang kaninang masiglang mukha nito ay napalitan nang pag alala.
         Umiling si tiya."Hindi ko siya kilala."sagot nito.
         Nakita ko ang reaksiyon nang mukha ng tiya.Halatang nagsisinungaling ito.
        "Bakit mo tinatanong ?"parang himig galit ito.
         Ako ngayon ang hindi makapagsalita.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
      Katahimikan.
      Nakatitig sa akin si Tiya.
      Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?
      Magsasalita na sana ako nang magsalita ito.
      "Lumabas ka na sa kuwarto kung hindi naman pala importante ang sasabihin mo."ang himig galit pa rin na tonong sabi nang tiya ko.
       Parang binuhusan ako nang malamig na tubig.Kaagad ay binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya."Pasensiya na po kayo tiya."sabi ko sabay sarado nang pinto ng kuwarto.
         Hindi ko alam ang naramdamanan ko.Bakit ganun ?Bigla akong naduwag ?Paano ko malalaman ang katotohanan?
     
       
     

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon