Chapter 5

417 11 0
                                    

    Miguel POV

               Ngayon ang alis nito papuntang tabing dagat.Hindi ako papasok sa opisinang pinapasukan ko.Kunwari ay papasok ako pero pupunta ako ng tabing dagat.Magmamasid ako at magmamatyag kung anong gagawin ng asawa ko doon.

               Patawarin ako ng Diyos.Sana ay hindi ako magkamali sa mga iniisip ko.Dahil kung totoo man ang hinala ko..lintek lang ang walang ganti !

Andrea POV

              Alas 11:30 pa lang ay nagluto na ako ng pananghalian.Mga 12:30 pa ang dating ni Marisa galing eskuwelahan kaya may pagkakataon pa akong makapag ayos sa sarili ko.

              Kanina pa pumasok si Miguel  sa opisina .Alas diyes  ng umaga ang pasok nito.Pinaliguan ko muna si Ana at pinatulog.Pagkagising nito ay pakakainin ko na.

             Tanghaling tapat.Alas 12 ay pinakain ko na si Ana ng kanin na nilagyan ng sabaw ng tinolang manok.Tinolang Manok  ang niluto ko na siyang paborito ng dalawang bata.

            Dumating ang alas 12:30 ay dumating na si Marisa.Kumain na rin ito.Dumating na rin si Lanie na hindi na nagawang magpalit ng uniporme ay agad humarap sa lamesa para kumain.

            Nagpaalam na ako sa dalawang bata.Na bantayan ang kanilang bunsong kapatid sapagkat akoy mag aayos at magpreprepara para sa aking pag alis.

           Nag ayos na ako ng mukha.Nilagyan ko ng bahagyang kolorete.Nagpalit na rin ako ng bestida ko.Handa na akong humarap kay Edward.

Miguel POV

          Nandito ako sa Nanay ko.Sinabi ko sa kanya ang problema ko kay Andrea.Maghunos dili daw ako sa mga gagawin ko.Na wala daw siyang nakikitang problema kay Andrea.

          Kung may problema daw kay Andrea ay magmatyag at magmasid daw muna ako.Alamin ang katotohanan sa mga hinala at pagdududa ko.

         Ala una ng hapon ay  nagpaalam na ako kay Nanay.Pupunta na ako sa tabing dagat at aalamin ko kung ano talaga ang katotohanan.

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon