Chapter 4

429 15 0
                                    

    Andrea's  POV

     

              Hindi ako makatulog ngayong gabi.Masyado akong nasasabik na makita ulit si Edward bukas.Sasabihin ko na sa kanya ang plano kong sumama sa piling niya.Ang makasama na siya habang buhay.

              Pero paano na mga anak ko?Si Marisa ang panganay ko ay 16 anyos na.Dalawang taon na lang ay magiging ganap na dalaga na ito.Si Lanie  ang aking pangalawa ay 13 anyos at ang aking bunso na si Ana ay nasa tatlong taong gulang.

              Malalaki na ang aking dalawang dalaga pero itong si Ana ay napakaliit pa para iwan ko.Napakabata pa para kagisnan niya na mawawala na ako sa piling niya.Sana kung sakaling makita ko siya sa ibang pagkakataon  ay malaki na ito.Patawarin ninyo ako mga anak.

             Tumitilaok na ang mga manok at tumataas na ang haring araw ay bumangon na ako sa kama.Iniwan ko si Miguel na natutulog pa.

            Maaga akong nagluto ng almusal.Nagprito ako ng itlog.Nagsangag pa ako at nagprito ng tuyo at daing na siyang paborito ni Miguel.Naunang nagising si Marisa at magkasunuran lang bumangon sina Lanie at Miguel.

            "Magandang umaga !"bati ko sa kanila."Handa na ang almusal."sabi ko.

            Nakangiti si Marisa.Ganun din si Lanie.

            "Mama..ansasarap ng luto mo ."bati ng dalawa ng makita nila ang nakahanda sa lamesa.

           Ngumiti ako."Kumain na kayo at pagkatapos magsiligo  na at papasok pa kayo sa mga eskuwela ninyo."sabi ko.

           Nakatitig lang si Miguel sa mga nakahanda sa lamesa.

         "Mahal kumain ka na rin."sabi ko.

         Umupo ito sa bangko at humarap sa lamesa.

          "Mahal mukhang masasarap yatang pang agahan itong handa mo sa lamesa."puna ni Miguel.

           "Oo naman..di ba sabi ninyo na dapat magluto muna ako ng pagkain natin kung ibig kung umalis."paliwanag ko.

         "Aalis ka Mama?"tanong ni Marisa.

          "Saan ka pupunta Mama?"si Lanie.

           Nagsalita si Manuel."Pupuntang tabing dagat ang Mama ninyo pagkatapos mananghalian."

          "Mama sasama ako."si Marisa.

           "Ako rin."si Lanie.

            Magsasalita sana ako ng nagsalita rin si Miguel.

           "Hindi puwede walang magbabantay kay  Ana."sabi nito.

            Sumimangot ang mukha ng dalawa.

            Nagsalita na ako."Hindi bale sa susunod..isasama ko na kayo..at hindi lang kayo..tayong lahat !"

             Nanlaki ang mata ni Lanie sa tuwa."Talaga Mama?"

             "Oo ."sabi ko.

             Natigilan ako.Bumuntong hininga.Patawarin  ninyo sana ako mga anak sa mga gagawin ko.

            Nagsalita si Miguel."O..natigilan ka..kumain ka na rin."utos ni Miguel sa akin.

            Kumakain na ang dalawang bata.

             "Titingnan ko muna sa kwarto si Ana kung gising na  para makakain na rin ang bata."sabi ko.

          At umalis na akong paakyat ng hagdan at tiningnan si Ana kung gising na.

         Gising na ito."Mama !"ang sabi.

          Tuwang tuwa ito habang nakikita niya ako.

          "Mama !" Ulit nito.

           Binuhat ko ang bunso ko at kinarga ito.

           "Ana..anak..patawarin mo ako sa mga gagawin ko ha..iiwan na kita."nausal ko sa kanya.

           Para naman nakakaintindi ang bata.Sumimangot ito at umiyak.

           "Tahan na.."hinalikan ko ito sa noo.

           Tumahimik ito sa kakaiyak.

             Lumabas na ako ng kuwarto at nagtuloy na ako sa may hapag kainan.

                

           

Sa Bahay ni Tiya (Now Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon