"Jacket at sweater, 'wag kalilimutan," rinig kong sinabi ni Bel.
Nakaupo si Bel at Alisha sa kama ko habang nag-iimpake ako ng mga damit ko. Si Fiona naman ay nakapamewang na nakatayo.
"Sino ba'ng kasama mo na magpupunta sa Sagada?" tanong ni Ali. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil kapatid ng ex niya ang kasama ko.
Nagkayayaan kami ni Xav noong huling labas namin, lalo na't iyon daw ang regalo niya dahil kaka-graduate ko lang. Ito ang pinangako niya noon, at nakakatuwa na ngayo'y unti-unti na siyang nakakatupad ng mga pinapangako niya.
"Sino iyan, ha? Para alam namin kung sino aanohin kapag may nangyari sa 'yo," sabi ni Bel.
"Kaya nga, baka mapano ka pa!" Fiona crossed her arms.
"Ah, kilala ko na yata. . ." ani Ali. "Okay lang, panigurado namang walang kasalanan 'yun sa pag-alis ng ex ko."
"Oo, bumalik na kasi si Xavier. . ." mahina kong sinagot. "Si Xav kasama ko."
"2 nights? Siya kasama mo?" gulat na tanong ni Bel.
"Anong bumalik? Ba't pa bumalik? 'Yung kapatid niya ba, may balak pang bumalik?" dire-diretsong tanong ni Fiona, dahilan sa pagtigil ko ng paglalagay ng damit sa bag.
"Daming tanong!" reklamo ko at nag-peace sign siya. "Grad, bumalik siya. Basta tungkol sa pamilya 'yung pag-alis niya noon at nagtagal siya sa Ireland. Wala naman siyang alam sa pag-alis ni. . ."
"Basta mag-iingat kayo ah?" bilin ni Alisha. "Update mo kami."
Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pag-iimpake.
"Pasalubong din, 'wag kalimutan. Kun'di, tayo na mismo ang magkalimutan," biro ni Fiona sa akin.
"G*gi, baka mag-enjoy iyan masyado kasama si Xavier niya, makakalimutan talaga tayo niyan kapag naroon na siya!" ani Alisha. Buong umaga nila akong inasar kay Xavier at wala naman akong magawa kung hindi tawanan lang sila.
Pagdating ng hapon, nakatanggap ako ng mensaheng nasa parking lot na raw si Xav kaya naman nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at bumaba. Naka abang si Xavi sa entrance ng condo at nang nakita niya ako ay agad niya akong tinulungan sa mga gamit ko.
"Kumain ka na?" tanong niya sa akin nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok naman ako sa kotse niya at tumango bilang sagot. Hinintay ko siyang pumasok sa kotse niya pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit ko sa likuran.
"You ready?" aniya pagpasok ng sasakyan.
"Oo naman. Na-eexcite na nga ako eh! Nag-search-search ako kanina, ang ganda talaga roon!" sagot ko. Teka. . . Isa lang naman tanong niya na oo o hindi ang sagott ah? Ang dami kong ebas!
I heard him chuckle. He gave me a blanket and a neck pillow before he started driving. "This will be a long drive so feel free to sleep if you feel like sleeping, okay?"
At katulad ng sinabi niya, matagal nga ang biyahe namin. "Nasa Mountain Province na tayo?" tanong ko sa kaniya habang pinapanood ang nasa labas ng bintana.
"Benguet pa rin 'to," sagot niya.
"Ilang oras na tayong nagbibiyahe, nasa Benguet pa rin tayo?" Lumingon ako sa kaniya at nakitang tumango siya. "Ang laki naman pala netong Benguet eh."
"Malawak talaga ang Benguet, Ace. When you think you've discovered everything, you'll just find out that there's more than that," sabi niya sa akin nang nakangiti. "Nangangawit ka na ba kakaupo?"
"Oo. . . Papunta na roon," sagot ko sa kaniya.
"Let's stop at the boundary so you can stretch," aniya. Tumango naman ako at vinideo-an ang view sa labas. Nagulat na lang ako nang bigla niyang sinara ang mga bintana.

BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
General FictionHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...