Chapter 4

49 7 1
                                    

"Teya, pakita na kasi I.D. mo," bulong sa akin ni Fiona, "Kahapon mo pa 'di pinapakita I.D. mo sa 'kin. Tatampo na 'ko," dagdag niya pa.

Nakuha namin kahapon ang mga I.D. namin. Mga lunch time iyon at malapit pa kaming na-late dahil nalilito pa rin kami sa mga building at daan. Buti na lang at mabait ang mga prof namin. Hindi naman sila strict... O baka sa una lang since first day namin. Baka mamaya, terror pala sila.

"Luh, bakit ka magtatampo eh I.D. lang naman?" tanong ko at binigay ko na lang kay Fiona ang I.D. ko para matahimik na siya. Agad niyang kinuha ito at tinignan iyon. Nakangiti siya at mukhang naghahanda nang asarin ako.

Katatapos lang naming kumain ng lunch sa harap ng Main Gate ng SLU. Pabalik na sana kami sa room nang may narinig kaming sumigaw.

"Uy, hi!" Napalingon kami ni Fiona sa likod. Kaibigan yata ni Hayden. Iyong lagi niyang kasama at katabi. "Hello! Ako si Derick, pero hindi Ramsey ang last name ko ha?"

Inabot niya ang kamay niya kay Fiona. Napangisi ako nang hindi ito tinanggap ni Fiona. "Ang taray pala." Humawak siya sa dibdib niya at nagkunyaring nasasaktan. "Mesheket se puso Ssob Fiona!"

"Bakit alam mo pangalan ko?" tanong ng katabi ko.

"Siyempre magka-block tayo. Buong araw ba naman tayong nag-iintroduce ng sarili natin? I take notes." Pinakita niya ang papel na hawak niya. Nilagay ko ang kamao ko sa may bibig ko dahil natatawa ako.

Tinignan ko nang mabuti ang papel. Drinawing pa niya ang seating arrangement at may mga pangalan iyon. Hindi nga lang kumpleto ang iba. Iilan lang ang nakalista. Napakunot-noo ako nang makita kong halos tatlo lang ang pangalan na nandoon. Ang pangalan ni Fiona, Hayden at mismong pangalan lang ni Derick.

"Yeah, whatever. Besides yourself and I, you only take note of people you're interested in, hence the only other name you wrote," sabi ng nasa tabi niya. Si Hayden. Mahinhin na tumawa si Derick at tumingin ulit sa amin.

Katulad ng kapatid niya, Englishero rin. From a well-off family yata. Halos magkamukha na silang dalawa maliban sa buhok nila, dahil mas malinis tignan ang kay Hayden. Mas maliit ang mga mata ni Caden kung ikukumpara kay Hayden. Medyo magkaiba rin labi nila. Mas mapintog lang siguro labi ni Caden kaso may maliit na nunal si Hayden sa may kanang bahagi ng labi niya. Ay, halatang tinititigan 'no? Observant lang talaga ako.

"Girls, si Hayden. Matalino iyan, makakakopya tayo at may free notes and reviewers!" masiglang sabi ni Derick. Ngumiti lang ako at tinignan si Fiona na mukhang nandidiri at naiirita na kay Derick.

"Kaya kong magsulat ng notes at gumawa ng reviewer 'no," sagot ni Fiona sa offer ni Derick at ngumiti, "Pero sa sagot, sige ah? Deal!" halakhak niya.

"May extra ballpen ka? Pahiram ng ballpen, nawala ko kasi akin. Nahulog ko yata somewhere." Lumapit si Derick sa amin. Inabot naman sa kaniya ni Fiona ang ballpen mula sa bulsa niya, pero nilahad din niya ang kamay niya.

"Ibalik mo sa akin iyan mamayang uwian. Akin na I.D. mo," ani Fiona. Bakas sa mukha ni Derick ang pagtataka. "May hihiramin ka sa akin, akin na I.D. mo. Quits lang naman?"

Tinignan ni Derick ang sarili niyang I.D. at naglakad ng mabilis habang hawak pa rin niya ang ballpen ni Fiona. Hinabol naman siya ng kaibigan ko at sumigaw sigaw pa.

Naiwan kaming nakatayo ni Hayden kaya bumaling ako sa kaniya. Seryoso pa rin ang mukha niya at nagsimulang maglakad. Parang iniwan lang nila ako. Bad trip. Mag-isa akong aakyat at baka mamaya ay maliligaw nanaman ako. Kanina ay nagmukha akong outcast dahil na-O.P. ako sa dalawa tapos ngayon iniwan pa ako nung kasama ko na sana.

Pinanood ko lang siyang naglakad nang tumigil siya at lumingon siya sa akin at nagtanong, "Won't you follow us? You'll be late for class."

Sumunod naman ako sa kaniya at sabay na kaming naglakad. Medyo awkward lang dahil may distansya kami at tahimik lang kami. Para naman hindi ako mabingi sa katahimikan naming dalawa, napagdesisyunan kong subukan na kausapin siya.

Cold Nights and City LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon