"Ang dami ng mga tao sa highway for today's video!" Fiona said. Kararating lang namin sa hotel at nakapasok na rin kami sa kwarto namin.
"Teh 'di ka na nasanay, nasa Baguio ka," ani Alisha habang inaayos ang mga bag namin.
"Totoo naman pero iba talaga kapag holiday 'no?" sabi ni Fiona. "Tignan niyo 'tong si Teya, nag-sesenti na sa gilid. Kalma mo beh, mamayang 12 AM ka na magmuni-muni."
Tumawa ako, tinigil ang pagtitingin sa view, at sinara na ang curtains ng windows. "Gusto niyo na mag-exchange gifts bago mag-sunset? Para maabutan natin last sunset ng taon na 'to."
"Uy, sume-senti nga!" biro ni Alisha.
"Pwede naman then let's eat dinner na," ika ni Reign habang nag-reretouch ng makeup niya sa harap ng body-sized mirror.
"Huy, kung sino man ang nakabunot sa akin, sana inayos niyo regalo niyo ah?" Pagpaparinig ni Fiona sa amin.
Ang nabunot ko sa kanila ay si Alisha. Nakabalot sa brown na box ang gift niya at nilagyan ko rin iyon ng brown na tali at sineal ko iyon ng wax. Nakatago lang iyon sa bag ko para hindi nila makita kaagad kung nasaan iyon at hindi ko iyon nilagyan ng tag o ng pangalan para kung makita man nila iyon, hindi nila alam kung kaninong regalo iyon.
Kinuha namin ang mga regalo namin at umupo kami sa kama na malapit sa bintana at pinaupo ko pa si Bel sa tabi ko. Nag-aasaran pa si Fiona at Alisha habang tahimik na tumatawa sila Reign at Bel.
"Okay, ako na mauna para tigilan na ako netong si Fiona dahil ako raw ang nakabunot sa kaniya. Akala mo naman talaga," sabi ni Alisha at binigay nga kay Fio ang regalo niya, "Oh, ayan, masaya ka na?"
Binuksan kaagad iyon ni Fiona habang tumatawa. Pagbukas niya, bumungad ang isang teddy bear na hindi malaki at hindi rin maliit. Sakto lang ang size neto at napaka-cute!
"Naka-costume pa!" Tinuro ni Bel ang suot ng teddy bear. Nakasuot ito ng scrubs at coat, pati na rin stethoscope.
"Uy! May name pa 'yung coat! Ganda ah?" kumento ko nang nakita ko ang pangalan ni Fiona sa coat nung teddy bear.
"Bakit teddy bear?" curious na tanong ni Fiona habang sinisiko si Ali.
"To give comfort if ever you isolate yourself from people and don't talk to them!" sagot ni Alisha sa kaniya.
Nagkunwaring naiiyak si Fiona at pinapaypayan pa ang mga mata niyang nakatingin sa taas. "Oh my gosh, so touching, nakakaiyak! Thank you!"
"Siraulo. . ." tumatawang sabi ni Ali. "Sino naman nabunot mo?"
She made a face to tease everyone in the room. "Sabihin mo na, baka bawiin ni Alisha 'yung teddy bear mo," biro ko sa kaniya.
Inirapan niya ako at proud na sinabing, "Luh! Edi kasi! Ito na nga!" Tumayo siya at lumapit kay Reign. "Nabunot ko si Reign, ito oh."
"Really? Thank you!"
"Huh? Paanong siya ang nabunot mo? Ako nakabunot kay Reign ah?" nakakunot-noong sabi ni Bel kay Fiona.
"Aruy!" kumento ko. "Amoy may nauto uli."
Shinush ako ni Fiona habang tumatawa. Binigay niya ang gift niya kay Bel. Alam naming lahat na siya ang nabunot ni Fio maliban sa kaniya dahil kinwento ni Fiona ang plano niya sa amin kaninang umaga noong nasa C.R. si Bel.
Pagbukas ni Bel sa paperbag, nilabas niya ang isang papel mula roon. Bakas sa mukha niya ang gulat at pagtataka. Sinubukan kong 'di tumawa dahil alam ko ang nakasulat doon pero nagkatinginan kami ni Alisha na nagpipigil din ng tawa kaya tuluyan na kaming natawa at nag-apir pa.

BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
General FictionHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...