Hiraeth Series #2: Cold Nights and City Lights
-
"Althea Bridget Feliciano."
Nakatapos na ako ng kolehiyo. Isa na iyon sa mga araw na hinihintay ko, at kahit malayo pa ang tatahakin ko, isa naman ito sa mga natapos ko at nakamit ko. Hindi nga naging madali para sa akin. May mga pagkakataong malapit na akong makakuha ng mabababang mga marka. May mga pagkakataon ding ilang beses na akong nag-isip kung ipagpapatuloy ko pa ba ang medisina.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nasigawan at napagsabihan ng nanay ko dahil sa mga grado ko. Hindi ko na mahanap ang sarili ko minsan at nababagabag ako lagi sa mga iniisip ko. Ilang tagay na nga ang ginawa namin ng barkada ko eh.
Magulo. Magulo talaga ang nasa isip ko, kaya't pati ako ay naguguluhan na rin sa sarili ko. Masyadong marami ang nasa utak ko, ano ba iyan!
Dapat masaya ako ngayon eh! Kung ano-ano na naman iniisip ko. Birthday ko na nga, graduation ko pa! Dahil diyaan, iinom kami mamaya. Oh, 'di ba? Kanina, ang lungkot ng iniisip ko, ngayon sumaya na ako? 'Di ko rin gets, sa totoo lang. Malabo. Malabo ako.
Kinakaya na lang. 'Di ko na rin alam kung ano ang bumabagabag sa 'kin. Basta ngayong araw, okay naman ako. 'Di ko sure bukas, charot! Pero seryoso, nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko pa ang diploma ko. Deserve ko ba 'to?
"Kunin mo na. Baka magbago isip ko, Feliciano," sabi ng professor ko sa gilid habang tinuturo ko ang diploma ko. Ngumiti siya at tumango. "Congrats, onti na lang, Doc."
Doc. Balang araw, mababalot din ng stethoscope ang leeg ko at makakasuot din ako ng lab coat sa mga bulwagan ng ospital. Makakakuha rin ako ng lisensya. Onting tiis pa. Onting pasensya pa.
Tinanggap ko ang diploma ko at masayang bumaba sa entablado. Nanatili akong nakatayo, dahil kailangang makumpleto ang row namin bago makaupo. Tinitigan ko ang diploma ko at 'di ko mapigilang ngumiti. Ma, Pa, magkakaroon din kayo ng anak na doktor.
Habang kumukuha ng litrato ang mga iba, lumapit ako kay Alisha para mayroon din kaming picture.
"Huy, 'di ba Grad Ball mamaya?" tanong niya bago ko siya ayaing mag-picture.
"Bukas pa 'yon! Kaya pa ba?" tuwang-tuwa kong sabi. Sabaw na yata siya.
"Ay sorry, lutang, akala ko ngayon."
Pagkauwi namin ay naghanda na kami para sa celebration namin. Nagpalit muna kami ng damit, at pagkatapos noon ay nagsimula na kami. Simple lang naman ang party. Magkakasama ang tropa at ang mga pamilya namin. Mabuti talaga at maluwag naman ang condo kahit papaano. Panigurado, mamayang gabi ay mawawasak na naman ang mga atay namin. Nasa larangan kami ng medisina pero ang mga atay namin...
"Happy birthday to you!∼" sinimulan ni Fiona ang pagkanta. Kapag ba ganito, ano ba ang dapat gawin ko? Ilang taon na akong kinakantahan pero hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko tuwing ganito. Ngingiti lang ba ako? Makikikanta? Saan ako titingin? Sa cake o sa kanila? "Happy birthday Teya!"
"Oh, make a wish! Make a wish!" sigaw ni Ali. "Sana bumalik na siya kamo! Dali!"
Sa sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin. "Sino ha? Sino?" Tumawa ako. "Manahimik ka andiyan si Mama, kapag ako pinauwi agad sa Manila pagkatapos kong ihipan 'to ha."
"Sige, ingat! Aayusin ko na bagahe mo, ha?" biro ni Bella pero agad niya itong binawi nang nagtagpo ang tingin namin. "Blow mo na, Tey! Natutunaw na kandila sa cake mo oh!"
"Oo nga, iyan lang cake na hindi nasunog ni Reign, masisira mo pa," biro ni Alisha at pinaikot lang ni Reign ang mata niya. "Joke lang nga!"
Tinignan ko ang cake ko. Wish? Sana... Inihip ko na ang kandila at iniangat ang mukha ko. "Isindi niyo ulit, tayong lima naman umihip. Nakatapos na tayo!"
"Slight lang, college palang. May sandamakmak na process pa, pero g!" Ngumiti si Fiona at kinuha ulit ang automatic induction lighter para sindiin ulit ang kandila.
"Congratulations mga doktora, nurse, at FA ko!" sigaw ni Reign at inakbayan kami. Sabay-sabay naming inihip ang kandila tulad noong high school graduation namin. Napakasaya na makita ko silang masaya. Napakasaya na sama-sama kaming magkakasama sa lungkot at saya. Nakakatuwa na maraming umayaw sa amin dahil akala nila'y 'bad influence' daw kami sa isa't-isa, pero 'eto kami ngayon, magkakasama pa rin, tulong-tulong na inaabot ang mga pangarap namin.
Nang natapos na ang ihipan ng kandila, kumain kami ng mga hinanda. Kung ano na lang ang nakita ko, nilagay ko iyon sa plato ko. Hindi naman ako mapili sa pagkain, kahit ano pa iyan, basta may makakain ayos lang. Noon pa lang kasi ay naturuan na akong tanggapin ang kung ano mang nasa hapag kainan.
Pagkatapos kumain, ay binuksan na ni Alisha ang ilang bote ng alak. Sumasayaw na si Fiona sa gilid at nilakasan pa ang pinapatugtog niya. Natawa ako at napa-inom na lang. Sigaw na kami nang sigaw kahit na anong oras na. Kahit na mayroon kaming mga kasamang magulang dito. Tawang tawa pa nga kami dahil nakikita nila kami na ganoon ang lagay. Pinagbigyan naman nila kami dahil akala nilang minsan lang kami ganoon. Nagkwentuhan na lang ang mga magulang namin sa may kusina.
Lumabas ako ng condo at naglakad-lakad para makapagmuni-muni onti. Nagpunta ako kung saan nagsimula ang lahat. Tanging buwan at flashlight galing telepono ko na lang ang ilaw na ginagamit ko. Madilim at mahangin. Kita rin ang mga ilaw ng mga tahanan sa paligid na tila bang mga bituin.
Naglakad ako patungo roon nang makita ko ang isang pamilyar na anino. Napangisi ako. Bumalik nga ba talaga siya? Nagbabalik na nga ba talaga siya? Ilang taon akong naghintay, bakit ngayon lang siya nagpakita?
"Eya..."
Tinignan ko lang siya at napansing may dala siyang bouquet at balloon.
"I couldn't approach you earlier. Congratulations on graduating and happy bir-"
Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin.
Sa lahat ng mga araw na hinintay ko siya, bakit ngayon lang siya nagpakita ng mismo? Ay, kung hindi nga ako nagpunta rito, malamang ay 'di na kami nagkausap uli eh!
"Tama na. . . Kinaya ko naman noong wala ka. . ."
-
I am sorry for the grammatical errors ahead. Please bear with me.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are all fictitious . Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.
Republic Act No. 8293
BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
General FictionHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...