Papunta ako sa spot ngayon tulad ng usapan namin ni Xav. Unang araw ng bagong taon at unang hapon ng bagong taon. Unang beses ko rin siyang makakasama ngayong taon!
"Hey, earlybird."
Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Xav. Napangiti ako at hinintay siya na maglakad papalapit sa akin. "Happy New Year," sabi ko.
"Happy New Year." Nginitian niya ako at inabutan ng bouquet ng daisies. Nang nagpasalamat ako, ngumiti siya lalo at inayos niya ang buhok niya. "Masyado ka nang na-faflatter. Ano? Kamusta ang bakasyon?"
"Nothing really that special, nag-surf ako sa resort tapos naglaro ng mga computer games," he answered. "Ikaw? Manila-Baguio girl pala eh. . ."
"Manila-Baguio girl ka d'yan." Ngumuso ako. "Nakita mo naman mga IG stories ko. . ."
Nanahimik ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakita ko siyang naka-tilt ang ulo at nakataas ang isang kilay, naghihintay sa susunod na sasabihin ko.
"Hindi kayo nag-celebrate ng pamilya mo?" tanong ko sa kuryosidad. Curious ako kung kahit ganoon ang nangyari sa pamilya nila ay nagsasalo pa rin sila na magkakasama.
He shook his head. "Even if there is, Dad would just talk to Hayden or he'd talk to other family members about my brother's achievements. Sa sulok lang ako palagi at walang kausap. Kaya nagsimula akong mag-download ng mga mobile games eh!" Tumawa pa siya.
Kahit pala alagang-alaga sa kaniya 'yung tatay niya noong bata siya, pinaboran niya pa rin 'yung bunso. Itong si Xavi naman tinatawanan pa niya 'yung sitwasyon kahit parang pinapabayaan lang siya ng tatay niya.
"And whenever that happens, Hayden would come to me and tell me he didn't like the attention. Sadyang hindi ko lang siya makausap kasi guilty pa nga ako, and whenever I try to talk to him, Dad would get him and introduce him to other people."
Hindi rin naman kasalanan ni Harrison na ganoon ang tungo ng tatay nila. Paniguradong ayaw rin niya na nalalagay sa ganoong sitwasyon. Napipilitan siya at wala siyang choice. Wala man ako sa tamang lugar para magkumento nang ganito pero baka nawawalan lang din siya ng choice dahil siya na lang ang magulang niya.
"Nag-uusap naman kayo ng tatay mo?"
"Yes, kapag ang resort o si Hayden ang pinag-uusapan."
Parang nasa gitna nila lang din pala ako na minsan napipilitan, minsan pinapabayaan at iniiwasan.
"G*gi, halos pareho lang tatay natin 'no?" natatawa kong sinabi sa kaniya. "Sa una lang tapos biglang pawala-wala."
We both laughed although it was not easy. We just found humor as a coping mechanism. Panigurado, nahihirapan siya sa mga ganoong pangyayari. Pati naman ako.
Mahirap nga lang mag-open sa iba kaya minsan dinadaan na lang sa biro. Halos parehas lang ang relasyon namin sa mga tatay namin kaya siguro mas nadalian kaming mag-usap sa isa't-isa tungkol doon.
"Hindi ko na alam kay Dad. Galit na nag-cheat si Mom but he also cheated. Crazy."
"Huwag ka lang maging cheater tulad nila, nako. . ." biro ko sa kaniya at nakipag-apir, muntikan nang gamitin ang kamay kong may hawak nung flowers.
He was shaking his hands, telling me no. "Of course not. No one ever deserves to be cheated on," he answered. "Naranasan ko na rin namang ma-cheat. My parents cheated on each other. That alone made me feel like I was also cheated on."
"Parang feel mo nabubuhay ka lang sa kasinungalingan noon, 'no? Na parang naglolokohan lang?" ani ko at tumingala nang tumango siya. "Ngayong iniisip ko na, parang nabuhay lang din ako sa kasinungalingan na babalik 'yung tatay ko. Bumalik nga, umalis naman kaagad nang walang paalam."
BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
Ficción GeneralHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...