"Okay lang naman iyong Eya kaysa naman sa tawag sa akin nung kapatid mo," sabi ko at kumunot-noo. Naaalala ko na naman kung paano niya sinabi iyon kanina. 'Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Tinawag ko rin siyang Harrison kaya siguro quits lang?
"You look furious," ani ng katabi at akmang hahawakan ang mukha ko, pero ibinaba niya rin iyon, "How does he call you ba?"
"Bridget!" sagot ko at umiwas ng tingin. 'Di ko talaga gusto pangalan ko eh. "Ano iyon, tulay na may halong nugget?"
Tumingin na ako uli sa kaniya. Naka-tilt pa ang ulo niya at tinaas niya ang salamin niya habang iniiwasang tumawa. Pinipigilan niyang tumawa. Umubo siya ng kaunti at nagtanong, "That's your name. Your mom gave it to you. Why cringe because of it?"
"Ewan, parang hindi lang bagay sa akin?" sagot ko naman. Hindi ko lang siguro makita ang sarili ko na Bridget ang pangalan ko. Malayo sa itsura ko. Parang ang elegante kasi pakinggan tapos mukhang pabayang tao lang ako.
"In Ireland, Bridget means power and strength. It suits you well," aniya at ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit alam mo meaning no'n?" tanong ko. Bakit alam niya meaning noon? Kahit ako nga 'di ko alam basta iyon na pangalan na binigay sa akin ni Mama. May meaning pala iyon.
"My mom's Irish. I'm basically half," sabi ni Xavi. Tumango naman ako. Kaya pala. "My brother's pure though. Pure Filipino ha?"
"Ha? Paano iyon eh magkapatid kayo?" tanong ko kaagad dahil nalilito ako. Kung magkapatid sila, bakit si Xavi half tapos si Harrison pure? Unless na magkaiba nanay nila? "Ah..."
"Yeah, we have different mothers. It's a little complicated..." Humina ang sinabi niya sa dulo pero narinig ko pa rin iyon. Naiintindihan ko naman kung hindi niya ikukuwento, kaya hindi na lang ako kumibo at nagsalita. Ang hirap siguro ng ganoon. Baka dahil doon hindi sila masyadong close. "I'll tell you next week. Good luck on your exams."
"Thank you," sabi ko naman. Tumayo kami at nag-inat onti. Nilingunan niya ako at ngumiti siya. "Let's go? You should study, Doktora," sabi niya sumunod naman ako sa kaniya paalis doon.
Napagtanto kong tinawag niya akong "Doktora" kaya napatawa ako nang malakas. "Anong Doktora? 'Di pa naman eh, first year ko pa nga lang," sabi ko.
"Claim it," napatigil na rin siya sa paglalakad at tumawa, "Law of attraction!" dagdag niya. Mas tumawa ako nang malakas sa sinabi niya. Maliban sa sinabi niya, natawa rin ako sa kung paano niya iyon sinabi. May accent eh.
Tumuloy kaming maglakad hanggat sa umabot kami sa may entrance ng condo. "Study well. See you when I see you," sabi niya at sumakay ng kaniyang gray na Subaru Outback. Pati sasakyan gwapo eh. Porma.
Pumasok na ulit ako ng building at umakyat sa unit namin. Bumungad sa akin sila Fiona at Alisha na nagbabasa na ng notes. Kalalabas lang ni Bella ng kwarto nila at biglang nagtanong, "Uy, ano kakainin nating dinner? Magluluto ba kayo?"
Mukhang gutom na siya kaso hindi makaalis sina Ali at Fiona sa inuupuan dahil sa busy mag-review ng dalawa. Sila pa naman ang madalas na nagluluto kaya siguro napatanong ng ganoon si Bel. "Noodles na lang, mainit naman tubig ng dispenser natin," sagot ni Fiona sa kaniya.
Sabay na kaming naghanda ng noodles. "Ano'ng gusto niyo? Maanghang o hindi?" tanong ko sa dalawa at pinakita ang dalawang cup ng noodles. Nang nakuha ko na ang sagot nila, kaagad naming prinepare iyon ni Bel.
Habang naghihintay maluto ang noodles, nakipag-kwentuhan muna ako kay Bella. "Oh, napano UB?" Tanong ko. "Hindi naman bad influence mga kaibigan mo roon? Wala namang nanlalandi sa 'yo? O ikaw nanlalandi?" tanong ko uli.
BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
Ficção GeralHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...