"Fiona, stalker mo, inaabangan ka, joke," biro ko kay Fiona kaya mabilis siyang nagpunta sa likod ko para magtago.
Bumalik na kami sa Uni uli pagkatapos ng Christmas at New Year break. Papunta kami ng building ni Fiona pero nakaabang sila Harrison at Der.
Nilapitan namin sila at nakipag-fist bump ako. "Happy New Year!" bati ko sa dalawa at pinakita ang picture namin nila Ali noong New Year salubong. "Ayuda kayo riyan oh!"
"Ay, wag mo binebenta si Alisha kay Hayden, akin lang 'yun si Ali!" reklamo ni Fiona.
Ngumisi ako noong nakita ko si Harrison na napaayos ng tayo. "Torpe," bulong ko sa kaniya. "Torpeng hopeless romantic."
"You also are," bulong niya pabalik sa akin.
Kumunot noo ako. "Oh, kanino naman?" He just raised one side of his lip without answering me. Napalingon kami kina Fiona dahil nagsisimula na naman silang mag-away.
"Sure ka tumalon ka noong New Year? Wala naman atang effect, 'di ka pa umaabot sa baba ko!" sabi ni Derick.
"Mabuti nga na hindi abot. Ang tulis ng baba mo eh! Kawawa naman ulo ko kung sumakto roon!" sagot ni Fio.
Tinatawanan ko lang sila. Maliban sa mga sinasabi nila, natatawa rin ako sa hitsura nila. Parang bata na nanghahamon ng away si Fiona. Malaki ang height difference nila at matangkad talaga 'tong si Derick. Sadyang napakapilyo lang talaga!
"At least nag-exceed ako sa 5 flat!" pag-asar ni Der.
"Pino-problema mo kasi height ko! Bakit ba kasi?! Kaasar!" Fiona rolled her eyes and went to our room as Derick chased after her.
Naiwan na naman kami ni Harrison kaya sabay na kaming naglakad. Wala pang 7:30, ang ingay na nila!
"Harrison, Harrison, kailan ka kaya aamin?" biro ko sa kaniya para mabasag ang katahimikan.
"She doesn't even know me yet," he said and giggled.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Edi lapitan mo! Ayaw mo? Ano gusto mo? Pakilala ka namin?"
"No please. Let me take my time." Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. "Lucky you. You're friends with the person you like. Bridgette, Bridgette, when will you confess?" Ginaya niya ang pananalita ko.
"Talaga lang?" sabi ko. "O lucky me at friends kami ni Xav, kayo hindi?"
"Oh, so you really like my brother huh?" he teased and smirked.
"Huh?"
"I didn't say a name earlier, Bridgette!"
"Huh-tdog. . ." Natawa kami sa reaksiyon ko.
"See? We both are torpe. Quits lang!" aniya.
"'Di rin. Close kami, kayo hindi," biro ko ulit at tinawanan siya.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na sa pagkatalo. Pagpasok namin sa classroom, kita at dinig na namin sila Fiona at Derick na nag-aaway pa rin na parang mga aso't pusa. . . Mga bata na lang pala kasi ayaw ni Fiona sa mga aso at pusa.
Pagkatapos ng klase, sinundo na kami ni Ali. Umupo ako sa shotgun sit as usual at nasa likod naman si Fiona at Bel.
"Guys, may nakuha akong information doon sa poging matangkad na volleyball player sa Engineering," ani Ali na dine-describe ang volleyball player na napansin namin noong Intrams.
"Iyong Peralta?" tanong ni Fiona.
"Ano na kasi name?" tanong ko rin.
"Itabi niyo, mag-cacrush reveal na si Alisha," biro ni Bella.
BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
Ficção GeralHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...