Chapter 13

11 6 0
                                    

Xavi

Yesterday 7:33 PM

Kelan flight mo

Yesterday 10:45 PM

Ingat

Today 8:08 AM

Di man pala alam ng kapatid mo na umalis ka

Di ka nagpaalam sa kanya

Today 4:15 PM

Anjan kana

Today 10:21 PM

Oy

Xav

Today 11:51 PM

?

Delivered

Nagpakawala ako ng hininga at sinara ang phone ko. Tumingin ako sa labas ng bintana, rinig ang pagpatak ng ulan. Hindi pa rin siya nag-rereply sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, pero sana ay ligtas siya at malayo siya sa kapakanan.

Hindi ko alam ang rason kung bakit kinailangan niyang magpunta roon nang biglaan pero baka dahil sa nanay niya. Iyon lang ang naiisip kong rason kaya tanggap ko naman. Hindi ko lang alam kung kailan siya babalik at kung bakit niya ako hindi ni-rereplyan. Ang iniwan niya lang ay ang pangakong babalik siya.

I guess it's an assurance, giving me a reason to stay and wait for him.

Noong nasabi ko iyon kay Harrison ay nagulat pa siya sa biglaang pag-alis ng kapatid niya. Hindi niya iyon alam dahil hindi nga sila nag-uusap. Wala rin naman daw sinabi ang tatay nila. Sinubukan din namin siyang tinawagan pero walang sagot si Xav.

"Hay. . ." sabi ko na lang.

Parang kailan lang noong nagpupunta kami sa kung saan-saan. Sa Session na nag-attend kami ng parade, sa Ambiong na nag-sightseeing kami, sa Mines View na nag-abang kami para sa sunrise, sa Atok na maraming mga flowers, at sa spot namin.

Iyong pagkanta niya noon, iyong pagtanggol niya sa akin, iyong paghihingi niya ng consent, iyong pagpapaalala niya sa akin na mahalin at tanggapin ang sarili ko. Masasabi ko pa na mas naalagaan niya ako kaysa sa pag-alaga ko sa sarili ko.

Nakakainis, nag-ooverthink na naman ako!

***

"Teya, may chocolate at sunflower uli oh!" Turo ni Fiona sa desk ko. "Kung sino man ang nagbigat nito, thank you! Ako na naman ang uubos ng chocolate!"

Binatukan ko siya at inabot ko sa kaniya ang chocolate. Matagal na akong nakakatanggap noon at 'di ko alam kung kanino iyon nanggagaling, pero tulad ng sinabi ni Fio, siya lang din ang umuubos noon. Kaya nga siguro iba-iba ang brand at flavor ng chocolate. Minsan naman ay naghahati kami. Sadyang wala lang akong gana para mag-chocolate ngayon.

Paupo na sana ako nang tinawag ako ng classmate ko. Sinundan ko naman siya sa labas tulad ng sabi niya.

"Bakit? May problema?" tanong ko sa kaniya.

"Uhh. . ." aniya at napahawak sa batok niya. "Ako 'yung nanliligaw sa 'yo."

"Huh?" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napakurap ako.

"Iyong sunflowers, 'yung chocolates. . . Ako 'yon. Ang tagal-tagal na ng panliligaw ko sa 'yo kaya gusto kong malaman kung may chance ba ako sa 'yo."

Napataas ako ng kilay. "Alam mo, wala kayong mapapala kung dare iyan sa 'yo ng mga kaibigan mo." Tumawa ako. Hindi naman kasi ako kagusto-gusto eh. Imposible!

Cold Nights and City LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon