Pagkatapos ng ilang linggo, araw na ng pagbaba namin sa Baguio. Dalawang sasakyan ang gagamitin. Tulad noong paakyat kami, gagamitin ang kotse ni Reign at Ali. Sumakay ako sa kotse ni Reign this time at ang dalawa ay sumakay sa kotse ni Ali.
Hindi naman ganoon karami ang dala kong gamit eh. Isang black na duffel bag at isang maliit na hip fanny pack lang naman ang dala ko. Onting damit lang din ang nilagay ko sa bag ko, dahil may mga naiwan pa naman akong mga damit sa bahay. Sa hip fanny pack ko nilagay ang mga maliliit kong gamit tulad ng charger, cell phone, at powerbank, para kapag na-lowbat ako, hindi ko na aabutin bag ko sa likod.
"Daan tayo ng pang pasalubong sa Kennon," suhestiyon ko kay Reign na kakapasok lang ng driver seat.
"Sure, sure," sabi niya bago nagsimulang magmaneho. Nagsimula na rin akong nagpatugtog, para kung sakaling makatulog ako, 'di antukin ang driver.
Kami ang nauna at nang daanan namin ang sasakyan ni Ali, binaba ni Fiona ang bintana niya at kumaway sa amin na parang bata. Natawa kami ni Reign, kaya bumusina na lang siya.
Naka-receive din ako ng mensahe galing kay Xavi noong bumusina si Reign.
cx.marquez:
Take care, Eya. Your friends also.
Ngumiti ako at nag-reply sa mensahe niya.
tey.feliciano:
Thanks buddyy
Pagkatapos ng ilang minutong pagkukwentuhan namin ni Reign, umabot na rin kami sa Kennon. Tumigil kami sa mga shop doon na nagbebenta ng mga pasalubong. Kumuha ako ng mga ube jam, strawberry jam, peanut brittle, crinkles, at gulay para kina mama.
Nag-stop over din kami sa La Union. "I'm getting milktea. Ikaw?" sabi ni Reign sa akin.
"Sige, ako na rin, C.R. lang ako, bilhan mo na 'ko," sagot ko at sabay na kaming bumaba ng sasakyan.
Nagkita pa kami ni Fiona sa C.R. at mukhang kagigising niya lang. Natawa ako sa mukha niyang seryoso at lutang. Kumunot-noo siya nang napansin niyang nakatitig ako sa kaniya.
"Wala, mauna ka na," sabi ko sa kaniya at pinauna sa cubicle, at nang natapos na kami, bumalik kami kina Reign sa milktea shop.
"Alam nila tita na uuwi kayo ngayon?" tanong ni Bel.
"Hindi, pero sinabihan ko mga kapatid ko. Kayo ba?" ani Alisha at uminom.
"Sabi ko lang doon ako magpaPasko, pero 'di ko sinabing ngayon ako uuwi," sagot naman ni Fiona sa tanong.
"Ayon, parang kay Fiona rin, para chupways," sabi ko at tumawa. Hindi ko muna sinabihan si Mama, dahil gusto ko siyang sorpresahin sa paparating na Pasko. Sinabihan ko rin mga pinsan ko, at sabi nila ay pupunta raw sila roon bukas. "Paniguradong masaya kaniyan sila sa mga pasalubong, neh?" natutuwang sabi ko.
"Kapatid ko nga nag-special request na kumuha raw ako ng strawberries, pero sinabi ko na na wala sa season," pagkuwento ni Fiona at kumunot-noo nanaman. Buong umaga na yata siyang naka-kunot-noo ah!
"Oh, ano sabi?" tanong ni Alisha, interesado at natatawa sa kwento niya.
"Sabi niya kahit na raw! Bw*sit!" gigil na sagot ni Fiona sa kaniya, "Binilhan ko na lang ng pencil na may strawberry sa taas, tutal wala namang sinabi kung anong strawberry eh," aniya pa.
"Loko ka," kumento ni Bella sa kwento ng kaibigan namin.
"Bakit? Tama naman! 'Di kasi niya spinecify! May strawberry pa rin naman iyong lapis ah! Pakita ko mamaya sa 'yo, 'ta mo," sabi ni Fiona at tuwang-tuwa sa sariling ideya.

BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
General FictionHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...