"G*gi, nahihilo na ako, kalmahan mo naman pagmamaneho mo, hindi naman ito car racing," reklamo ni Fiona na balot na balot sa kumot at jacket niya. "Edi sana pala roon na ako kila Alisha nakisabay."
Paakyat kami ng Baguio ngayon dahil lilipat na kami. Roon na kasi kami mag-aaral para sa kolehiyo. Dala-dala namin ang ilang bag ng mga damit namin. Naka-ilang box din kami, kaya naisipan naming gamitin ang kotse ni Alisha at Reign. Sila pa lang kasi ang may kotse sa amin, pero mayroon na rin naman akong lisensya.
"Shunga, mas mabilis iyon magpatakbo 'no," kumento ko. "At papunta tayo sa Baguio, siyempre ganito talaga daan. Curvy."
"Wow, curvy!" Tawa niya at inayos ang unan na gamit niya. Pinatong niya ang paa niya sa balikat ko at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wow, abot ng paa mo balikat ko!" Pagbabara ko.
"Feet please," sabi ni Reign habang nagmamaneho. "Malapit na sa Lion's Head. There are also plastic bags there if masusuka ka." Tinuro niya ang compartment space sa harap ko.
Tumingin ako kay Fiona na nakakunot-noo. Tinawanan ko siya dahil mukhang nainis siya sa sinabi ni Reign. Mukhang parehas kami ng iniisip na hinanda na talaga ni Reign ang mga plastic para sa kaniya. Parang nahula na niya agad na masusuka si Fiona.
Tulad ng sinabi ni Reign, kita na ang Lion's Head mula sa kung nasaan na kami. Maraming mga taong kumukuha ng litrato roon at halatang tuwang-tuwa sila sa nakikita nila. Kita ang mga ngiti ng mga pamilya at kita ang pagmamahalan sa mga mata nila. May mga mag-jowa at mag-asawa rin sa gilid at 'di ko napigilang umirap. Sana all.
Bumaba kami nang huminto na ang sasakyan. Nag-inat kaming tatlo at pumunta sa sasakyan ni Ali para kumustahin ang dalawa. "Gutom na ako, saan tayo mag-lalunch?" tanong ni Alisha.
"Tara samgyup!" aya ni Bella. Malaki ang ngiti niya habang pabalik-balik ng tingin kay Alisha at Reign, nanghihingi ng pag-apruba ng dalawa. Tumango-tango naman kami ni Fiona. Matagal na rin kasi nung huli kaming nag-Korean barbeque... Mga last week lang naman.
"Oh, sige. I know a place, pero how about our gamit?" tanong ni Reign at napatingin sa loob ng sasakyan ni Ali. Naroon kasi halos ang mga gamit namin.
Humalukipkip ako. "Edi malamang sa kotse muna mga gamit. Kain muna tayo, alangan namang ipapasok natin sa restaurant gamit natin?"
Tumango nalang si Reign at binigyan ako ng thumbs up. Tinanguan ko nalang rin siya at patagong tumawa. Alam kong ayaw niyang pinipilosopo siya, ako rin naman, pero masaya lang siyang inisin. Kapag iyong mata niya tumitirik, alam na. Pikon na!
Ganoon kami ni Fiona. Madalas kaming 'mag-away' at mag-inisan. Hindi naman namin sineseryoso ang pagbabara namin sa isa't-isa. Minsan nga ay sumasali pa sila Belle at Alisha sa mga kunwaring away namin. Inaawat naman kami agad ni Reign kapag masyado nang malala, kaso madalas ay siya ang tinatarget naming apat na inisin.
"Nakapag-stretching na kayo? Tara na para hindi tayo maubusan ng table," sabi ni Bel, at ngumiting parang may plinaplano. Gutom na siguro. Hindi naman medyo halata. Sobra lang.
"Sige tara na, gutom na Bella niyo," pilyong kumento ni Fiona. "Ako rin."
Sumang-ayon lahat at bumalik na kami sa sasakyan. Nilagay namin ang mga seatbelt namin at tumuloy na nga kami paakyat sa Baguio. Nagsimula nang lumamig kaya naman tinaas namin ang mga bintana namin. Onting espasyo na lang ang natira sa mga bintana pero nilalamig na kami. "Bakit ba kasi malamig dito? Pakisara naman aircon, kamo kay mayor," biro ko para mabasag ang katahimikan.
"Hindi ka ba nakinig sa topic natin noong high school ha? Sumbong kita kay Sir eh, balik tayo roon Reign," irap ni Fiona.
"Bakit ikaw naaalala mo?"
BINABASA MO ANG
Cold Nights and City Lights
Fiction généraleHIRAETH SERIES #2 She, who is valiant and bold, meets the individual who will make her frail and fragile. Althea Bridget Feliciano, a medical technology student from Saint Louis University, faces time and gets her patience tested as she waits for "h...