Chapter 7

23 9 0
                                    

Pag-uwi, doon ko lang nakita ang mga reply ni Reign sa Story ko. Tungkol iyon sa IV Of Spades, dahil isa sa mga paborito niyang banda iyon noon pa man. Siya ang madalas kong kasama tuwing pinapatugtog ang mga kanta nila, at ang mga plano naming pupunta sa mga gig nila ay nagiging drawing lang.

loreignortega:
Lucky!! Too bad I wasn't there. I couldn't skip classes. :(
Let's go to one of their gigs together soon please!

tey.feliciano:

Tara naaaa AHHAHA

Pagkatapos ng ilang araw, Lantern Parade na. Nagsuot ako ng vintage top, baggy jeans, at puting sapatos. Nagsuot din ako ng itim na bucket hat at nag-accessorize na lang. Nagpunta muna kami sa mall, dahil doon na kami nag-park at doon na rin namin kikitain si Reign na kagagaling lang sa Manila.

Pumunta kami sa view deck dahil 'di namin alam kung saan kami pupunta at hindi naman kami gutom. "Uy, picturan mo nga ako," sabi ko kay Bella nang nakita ko ang view. Maaraw rin kasi at maganda ang lighting. Kinuha naman niya ang cellphone ko at kinuhanan na rin niya ako ng mga litrato.

Nagpasalamat ako nang natapos niya akong kuhanan ng mga litrato at ibinalik sa akin ang phone ko. Tinignan namin ang view ulit.

"Ang ganda 'no?" tanong ni Fiona sa amin kaya't sinagot ko siya ng tango.

"Kita mula rito ang Burnham Park, Session, UC, at kung anu-ano pa," sabi ni Ali at lumingon sa amin. "Naaalala niyo retreat natin noon?"

"Oh, 'wag iiyak! 'Wag iiyak!" biro ko nang bigla niyang natanong iyon. "Naaalala ni Bel mga naudlot niyang love life noon!"

"Hoy, matagal na iyon! Pinaalala mo pa. . ." ani Bel at ngumuso. "Sa Good Shepherd naman iyon eh!" Dagdag niya kaya natawa kami.

"Inalala nga! Ano naalala mo? Picture ba? Picture ba? O iyong part na pinanood mong kiligin crush mo sa crush niya?" Pag-aasar ni Fiona sa kaniya.

Masama siyang tinignan ni Bella at ngumuso. "Sino ba kasing kasama ko noon? Si Reign 'no?"

"Ano'ng meron? Bakit ako?" Napalingon kami agad kay Reign na nasa likod na pala namin at may bitbit na limang baso. Dalawang frappe at tatlong kape. In-offer naman niya sa amin iyon kaya't kinuha na rin namin ang binili niya.

"Thank you, andito ko na pala," sabi ni Alisha nang natanggap niya ang kape niya. "We were talking about the retreat."

Umupo kami sa fake grass at nagpa-ikot. Uminom ako mula sa baso ko at nagsalita, "Oo, pati iyong naudlot na love life ni Bel noong grade ten tayo."

"Ah! 'Di ba guys were asking to take a photo with you? Naaalala mo si George? Kasama mo ako noon!" tanong niya at na-excite pa siya noong naalala niya. "May isa naman na ginawa mong password sa Ipad mo then you forgot it kaya you haven't opened it for years."

"Kadiri kayo!" Diring-diri naman si Bella sa mga sinabi nila.

"Akala ko magkakatuluyan na sila eh!" kumento ko naman. "Bakit mo ba naging crush iyon noon?"

"Oo nga. Almost everyone had a crush on him!" sabi ni Reign.

"Hoy!"

"Pero Bella, karaming nagka-crush sa 'yo noon, ang daming umamin. Bakit 'di mo sila crinushback? Kunyari, si George," makulit na tanong ni Fiona sa kaniya.

"Huh? Ah. . . 'Di ko siya bet. Pangit ugali tapos 'di sineseryoso academics. Ang dami niya kayang absent! Para ano? Mag-ML?" sagot naman ni Bel. "At hello! Iba gusto ko!"

"Na hindi ka gusto," pag-aasar ni Alisha sa kaniya. Tumawa nalang si Bella at nanahimik para uminom ng frappe.

"Tara na, it's 5:25 na," ani Reign at tumayo. 5:30 kasi magsisimula ang parade kaya tumayo na rin ako.

Cold Nights and City LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon