CHAPTER 2: THE MAN WITH GREEN EYES

20K 435 5
                                    

KEISHA

NAPAKUNOT no ako dahil sa maling pag akusa ni mama. Paano ako mabubutis?

"Ma, paano mabubuntis yang si keisha eh halik nga hindi nakatikim yan!" Napatingin ako kay kuya Keifer sa sinabi nito kahit kailan talaga mapang asar.

"Palibhasa kasi ikaw kuya timer! Nakita ko kayo ni kuya kevin sa kwarto ko pa kayo nanonood ng rated spg!" Parehong nanlaki ang mga mat nito sa sinabi ko. Ano kayo ngayon huh takot lang nila kay mama.

"Kayong dalawa talaga sinasabi ko lang kapag nakabuntis kayo aba panagutan nyo! Naku magbago na nga kayo kevin at keifer. Tsaka na realize ko na ang sinabi nyo hindi ng mabubuntis iyang si keisha dahil walang alam yan at masyadong inosente pagdating sa mga ganyang bagay!" padabog akong nanguha ng ulam sa sinabi ni mama kahit kailan talaga mga mapang asar sila!

"Kailangan ba talaga may alam ka dyan tsaka bata pa ako at wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan!"

"Aba malamang kailangan yun kahit sana papaano ay aware kana ngayon sa mundo natin! Naku wag mong sabihin sa akin Keisha na wala kang balak na magpakasal at magmamadre ka" napairap ako sa sinabi ni kuya. Kahit kailan kasi ay hindi ako tumanggap ng ligaw at hindi ko nasubukang pumasok sa isang relasyon hindi dahil sa ayaw kung hindi dahil hindi pa ako handa.

"Kuya madre agad pwede ba wag nyo na akong pilitin sa ganyan naku pag ako nag uwi ng lalaki ri---"

"KEISHA!" nappahinto ako sa pagsubo ng pagkain ko dahil sa sigaw nila halos sabay silang tatlo. Kita mo sinabi ko na lang na mag uuwi ako ng lalaki galit na sila samantalang sila pa ang nagtutulak sa akin na mag settle down na ewan ko ba sa kanila. Kung kaya't ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon dahil mamimiss ko sila at panigurado na baka mawalan ako ng oras sa kanila.

Nagpahinga puna ako ng kaunti sa bahay bago pumasok sa trabo kinuha ko ang laptop ko sa taas bukod kasi nagpapatakbo ako ng negosyo kong coffee shop ay sumasideline rin ako sa pagiging online seller. At isa pa patok na patok ito sa millenial.

"Anong oras ang pasok mo keisha?"

"Aalis na rin po ako chineck ko lang yung business ko online"

"Wag mong pagurin ang sarili mo sa trabaho anak. Heto dalhin mo sa trabaho at kainin mo roon" napangiti ako sa sinabi ni mama. Mabilis kong inabot ang binigay nitong lunch box madalas kaming lutuan ni mama ng lunch dahil alam nya na bihira lamang kami kumain nila kuya sa labas na sanay na kasi kami sa luto nya.

"Salamat ma, una na po ako" humalik ako sa pisngi ni mama at nagmano bago ako lumabas ng bahay. Nag arkila lamang ako ng taxi dahil hindi kami mayaman na may sariling kotse.

"Dito na po. Keep the change" ng makarating ako sa shop ko ay marami rami ng tao sa loob at halatang mga busy ang mga empleyado ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero ang business ko ay naparangalan na dahil binabalik balikan ito ng mga tao. We serve our customer equally there's no special treatment to the person we know.

"Good Morning Ma'am keisha"

"Morning" bumabati ako pabalik sa mga taong bumati sa akin dumiretso ako sa office ko upang asikasuhin ang mga dapat kong gawin marami pa kasi akong ibang business. Napahilot ako sa sintodo ko ng matapos na ang ginagawa kong pag aanalyze sa kinita ko sa isang buwan. My shop selling rate rise so we added more flavors, and products for another profits. Nakarinig ako ng tatlong katok na nakapag agaw sa atensyon ko sa kaharap kong laptop may delivery kasi akong gagawin mamaya.

"Pasok" pumasok ang isa kong empleyado na si Ella isa sa mga pinagkatiwalaan ko sa aking trabahador dahil matagal na itong nagtratrabaho sa akin at talagang kilala ko na.

"M-ma'am pasensya na po sa abala"

"Ayos lang. Is there's something wrong or you need something?"

"A-ahhh ma'am kasi po magpapaalam po sana ako kasi yung anak kong si butchok tinakbo po sa hospital na dengue raw po" nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Bakit ba uso ang dengue ngayon? Nakakatakot nga naman kasing magpabakuna ng dengvaxia at baka disgrasya pa ang dala nito.

Bearing The Billionaire Heir (ELEAZAR #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon