KEISHA
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na paggising ni Noah naalimpungatan ako, bahagya pa nitong tinapik tapik ang pisngi ko. Napadako ang tingin ko sa orasan pasado alas nwebe na pala paniguradong gutom na si Noah. Napakunot ang noo ko ng makarinig ng tawanan sa sala, ang pagkakaalam ko ay si Kuya kevin lang ang nandito dahil out of town si kuya keifer dahil sa trabaho nito.
"Kuya bakit andi---"
"Papa!" Napabaling ang tingin ko sa tinitignan ni Noah pilit nitong inaabot ang bisita ni kuya. Teka ano nanaman ang ginagawa ng lalaki ito! Ng dahil sa kanya hindi ako gaanong makatulog kung hindi nya sana ginulo ang isipan ko hindi ako napuyat.
It just a kiss Keisha bakit pa apektadong apektado ka!
Napasimangot ako sa inis dahil mas gustong kumawala ng anak ko mula sa bisig ko ng ngitian ni Colten si Noah. Ohhh go pati ata puso ko kumawala sa dibdib ko! Bakit kung kailan ako nagkaanak tsaka ko naramdaman ito! Tuluyan ng nakawala si Noah sa bisig ko at tumakbo ito papunta kay Colten na may malaking ngiti sa mga labi pakiramdama ko mas lalong sumikat ang araw tila ang fade lahat ng background at sila lang dalawa ang nakikita ko. Masayang binuhat ni Colten si Noah at nakipag fist bump rito ewan ba nya kahit ilang taon itong hindi nagpakita sa anak nya ay nakilala pa rin ito ng kanyang anak.
Ganun siguro kapag talaga naghahanap ng kalinga ng isang ama, naging malapit si Noah kay Colten, hindi ko alam pero kapag nakikita ko silang dalawa at parehong nakangiti pakiramdam ko nabigyan ko ng buong pamilya si Noah, madalas ko silang palihim na kinukuhanan ng litrato.
"Hi baby Noah! How are you"
"I'm ok papa malaki na po ako! Why you didn't attend on my birthday papa hindi ka na bumalik hindi mo na ako binisita"
"I'm sorry Noah papa was out of town i was fixing our business on Australia i stay there for almost three years nagbakasyon na rin. But don't worry babawi ako" ganun ito katagal hindi nagpakita sa anak nya kaya kapag nagtatanong ito ibat ibang palusot ang mga hinahanda pasalamat na lamang sya at naiintindihan sya ng anak nya at hindi na ito nangungulit pa.
"You promise! Your going to fetch me at my school my classmate was bullying me w-wala raw akong p-papa"
"Who said that? Don't believe on them ano mo ako? Si tito keifer mo si tito kevin you have a three papa you are so lucky" tila may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi nito, pero natatakot pa rin ako dahil mas lalong mas nagiging malapit ang anak ko sa kanya. May kanya kanya kaming buhay hindi nya kadugo ang anak ko at naiintindihan ko na nagmamalasakit sya bilang ama sa anak ko, pero natatakot talaga ako dahil ano mang oras maaari itong bumuo ng pamilya sa ano mang oras at pag nawalan ito ng oras para sa anak nya dahil tututukan nito ang sariling pamilya......maiiwan ang anak nya paniguradong masasaktan ito........paano na sila?
"Ako rin ang maghahatid sa iyo kung ayos lang kay mama" napaangat ang tingin ko at nagtama ang mata naming dalawa hindi ko magawang umiwas tila hinihigop ako nito.
"A-ayos lang anak basta masaya ka"
"Thank you mama i love you!" Napangiti ako sa inakto ng anak ko ganito sya sa amin malambing madaldal pero sa iba kabaligtaran. Wala na akong nagawa ng hilain ako ng anak ko sa loob ng kotse kumandong ito sa akin. Hindi ko maiwasang lingunin si Colten habang nag dradrive seryoso itong nagmamaneho at nakatutok sa harap ang mga mata at sa paraang iyon nagawa ko syang pagmasdan. Sa nakalipas na ilang taon andami nyang ipinagbago lalo na sa physical feature mas lalo syang nag mukhang matured. Mas lalo pang nadepina ang panga nito, he looks more dangerous now, napaiwas ako ng tingin ng nagawi sa akin ang tingin nito i saw him smiled on my peripheral vision. Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami sa school unang bumaba si colten at pinagbuksan kami ng pinto.
BINABASA MO ANG
Bearing The Billionaire Heir (ELEAZAR #1)
Romance"May dengue po kayo ma'am" hinang hina si Keisha nun, nang ibalita iyon ng doctor hindi nya alam kung paano sya nag ka dengue at bakit. "Doc ano po yang itinuturok nyo? Kailangan po ba dyan iturok" sumagot ang doctor at sinabing alam nito ang ginaga...