CHAPTER 11: HOPELESS

13.2K 346 5
                                    

KEISHA

Inabot ko kay mama ang anak ko dahil nakatulog na ito sa bisig ko, napanganga kami ng makapunta sa address na sinasabi ni kuya kevin. Maraming tao sa labas kumpulan sila, ganito ba karami ang napagaling ng doctor na iyon. Hindi ko maiwasang kabahan ng tuluyan kaming makapasok, sumalubong sa amin ang tahimik na paligid nagawi sa amin ang atesyon ng lahat ganun rin ang pamilya ng doctor na nasa harap.

"Isa ba kayo sa naging pasyente ng asawa ko?" Tanong sa amin ng isang lalaki na medyo may edad na sa palagay ko ay nasa 40's na ito. Namamaga ang mga mata nito at halatang malungkot dahil sa kinahinatnan ng asawa.

"Opo, ako po ang naging pasyente nya"

"Ganun ba hali kayo pumasok kayo. Pag pasensyahan nyo na at hindi ko kaya kilala. Salamat sa pakikiramay" hindi ko ba alam kung ano ang tamang nararamdaman ko ngayon dahil halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Talagang pinaglalaruan ako ng tadhana akala ko maaari ko nang makilala ang ama ng anak ko kahit para lamang sa anak ko. Oo natagpuan namin ang doctor.

Pero wala rin dahil patay na sya

Nalulungkot ako para sa anak ko wala pa itong kamuwang muwang pero pinagkaitan na ng mundo na magkaroon ng isang ama. Ang pamilya ni Doktora Perez ay naghihinagpis, namatay ang doctor dahil sa cancer wala naman raw itong nabanggit sa isa sa mga pamilya na may taning na ang buhay nito. Dahil sa dumagsa ang mga tao at umingay nagising ang anak ko.Ngiti ang isinalubong nito sa akin. Patawad anak mukhang hindi kita mabibigyan ng isang buong pamilya. Ang pinanghahawakan kong tyansa ay tuluyan ng nalusaw. Siguro ganito talaga ang nakatadhana para sa ating dalawa.

Lumipas ang ilang oras binalak na naming umuwi ng may magsidatingan, lahat ay nagbigay pugay maging ang pamilya ni Doctora Perez ang isa sa kanila ay pamilyar sa akin halos kaedaran ito ni kuya kevin at keifer dahil nasa bandang unahan kami naka puwesto narinig namin ang pag uusap nila.

"Nakikiramay kami Danilo"

"Masaya po kami at naririto kayo sa burol ng asawa ko Donya Mathilda. Napakalaki po ng naitulong nyo sa aming pamilya sigurado po kung nasaan man si Danice alam kong masaya na sya ngayon" nakatalikod sila sa gawi namin kung kaya't hindi namin nasisilayan ang mga mukha nila. Mukhang napaka importanteng tao ng mga ito sa buhay ni Doctora Perez, halata sa kanila na mayaman at tinitingala sa pustura pa lamang nila ay madadala kana halatang makapangyarihan.

"Maupo po muna kayo salamat po sa pagdalaw" tumayo ako mula sa kinauupuan ko habang hawak ang anak ko tahimik sa harap namin iyong pamilya ng Donya Mathilda.

"Saan ka pupunta anak?"

"Dyan lang po sa labas ilalabas ko lang si Noah, mag papabreastfeed din po ako at baka nagugutom na sya"

"Bilisan mo anak at sabay saaby tayong mag papaalam sa pamilyang Perez" tumango ako sa sinabi ni mama at inilabas na ang anak ko. Mabuti na lamang at may malapit na kubo sa hardin ng mga Perez at doon pina breast feed ang anak ko. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito wala nang ibang paraan kung paano mahahanap ang ama ng anak ko, lalo na at patay na si Doctora Perez pero isa lang ang gumugulo sa isip ko. Sigurado ako na may nag utos rito, pero sino? At bakit nya ginawa iyon, may galit ba ito sa lalaking iyon?

Natanaw ko iyong tinawag nila na Donya Mathilda na papalabas mula sa loob, nagtaka ako ng tahakin nito ang daan papunta sa kubo na kinaroonan ko. Balak ko na sanang umalis pero parang nakakabastos naman iyon kaya nanatili lamang ako roon.
"Don't you mind if i join you here?"

Bearing The Billionaire Heir (ELEAZAR #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon