CHAPTER 8: WHO?

13.8K 364 2
                                    

KEISHA

Pagkatapos ng aksidente sa mall ay tila nawalan ako ng ganang lumabas. Bigat na bigat na ako sa tiyan ko at bored na bored na rin ako dahil ilang buwan na akong nandito lang sa bahay. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko ng araw na magkasalubong kami sa mall. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagtakbo na ang landas namin bukod sa isa sya sa mga customer na madalas pumunta sa coffee shop ko, lalo na sa tuwing tititig ako sa berde nyang mga mata mukhang napaglihian ko iyon.

Madalas akong sumama kay mama sa pagbebenta upang may mapaglibangan naman ako. Ngayon ay balak kong bisitahin ang coffee shop ko matagal na akong hindi nakabisita roon. Hindi talaga ako mapakali kapag hindi nagtratrabaho sobrang nakakapanghina pag wala akong ginagawa at isa pa madalas akong hindi payagan lumabas ni mama na mag-isa.

"Are you sure you will be okay there? Ihahatid kita wag kang lumabas ng walang kasama you can call your f-friend" ngumisi ako ng nakakaloka sa sinabi ni Kuya. Sya nag-aalala sa akin, naku may ibang dahilan!

"Naku naku kuya style mo bulok! Kunwari kapa eh pakipot, miss mo na yung kaibigan ko ano!"

"Tsk, bahala ka nga i will just bring you to your coffee shop para malaman ko kung safe ka" napangiti ako dahil sa inasta ni kuya in denial pa kasi eh. Pero masaya ako na malaman na worth it naman pala ang pagpapapansin ng kaibigan ko sa masungit kong kuya.

"Ano ba kuya para kang tanga! Samantalang si kuya keifer balak pa akong isabay sa pag gygym nya! Tapos ikaw daig mo pa ang langaw kung makabantay"

"You, at saan ka natutong magsabi sabi ng ganyan. I'm just concern and don't mind keifer siraulo talaga ang gago na iyon!"

"Sige na alis kana kuya okay na ako" wala ng nagawa si kuya kundi ang umalis balak pa sana nitong pumasok sa coffee shop pero pinigilan ko na dahil sigurado ako na late na sya sa trabaho dahil sa gawang paghatid sa akin. Ayaw kong maging pabigat sa kanila hanggat sa maari ayaw ko na lagi nilang tinutuon sa akin ang atensyon nila kung alam ko naman kaya ko pa ang sarili ko.

Nagpakawala ako ng buntong hininga pagkapasok ko sa coffee shop tamang tama at hindi pa sila nagbubukas lahat sila ay naglilinis nagawi ang atensyon nila sa akin narinig kasi nila ang pagbukas ng pinto. Nahulog ng ilan ang hawak hawak na basahan at walis ng makita ako rumehistro ang gulat sa kanilang mukha.

"Good Morning" na miss ko ang ambiance rito sa coffee shop ko lalo na ang mga trabahador ko na naging kaibigan ko na. Tsaka lamang sila nakabawi sa pagkakagulat ng kinatok ko ang mesa, miss na miss ko na ang mag trabaho miss ko na nag office ko at gumawa ng coffee.

"Halata hindi ba ako nananaginip?"

"Ohh my god andito si buntis!"

"Na miss ka namin keisha!" Sumilay ang ngiti sa labi ko sa sari sari nilang kumento ng makita ako. Yayakapin sana nila ako pero tinuro ko ang tiyan ko na walong buwan na at malaki na talaga. Kaya ganun kung mag alala sila kuya baka raw bigla na lamang akong mapaanak habang naglalakad. Kahit sobrang nabibigatan na ako sa katawan ko ay pinipili ko pa ring maglakad lakad dahil maganda iyon sa katawan kahit ma maglakad lakad lang. Baka raw kasi magmanas ako kapag buong maghapong maupo lang.

"Miss ko na rin kayo, kaya ko naisipang bumisita rito gusto kong mangamusta" sinalubong nila ako ng ngiti. Nakaupo na rin sila sa harap ko at itinigil ang ginagawa.

"Naku buti nakapunta ka pa ng ligtas rito mukha ka nang balyena. Hindi ka ba nabibigitan?"

"Alam mo ang sarap mong buhusan ng kape josh! Balyena agad and FYI ikaw kaya ang magbuntis ano! Palibhasa kasi kayong mga lalaki puro s-sarap lang!" Rinig ko ang tawa ni kim at ng ilang empleyado ko sa sinabi ko totoo naman eh, buti na lang talaga hindi ako nabuntis sa traditional na paraan. Hanggang ngayon nga eh hindi pa rin lumilitaw iyong doctor at hindi na rin ako umaasa na makikita pa sya.

Bearing The Billionaire Heir (ELEAZAR #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon