CHAPTER 1

232 16 1
                                    

'ENLIGHTENED IN A
MYSTIFYING WAY'

ALTHYS TREÑAS

NAGISING na lang ako sa isang monochrome themed na kuwarto, malambot ang kumot at malamig ang paligid.Tanging tunog lang ng aircon ang maririnig, maya maya pa'y bumukas ang pinto.

"Gising ka na pala" saad ng taong iniluwa ng pinto na iyon.

"Axis?" ngumiti siya sa akin at inilapag ang tray ng pagkain sa harap ko.

"I was the one who saved you, rather, catch you" kunot noo ko siyang tinignan.

Tumayo siya at may kinuha sa itaas ng isang closet, tiningnan niya ako at mukhang napansin niyang madami akong tanong na nasa isip ko.

Nagtataka ako at nagulat din at the same time, if you're wondering who is Axis then let me introduce him to you.

Axis Venizelos-Andrade is a well known model which means he is a rich and a busy type of person.He is also my ex-boyfriend, nagkaroon kami ng misunderstanding noon which led us to a break up at hinayaan n'ya naman ako.

Yet, I don't even know what is he doing infront of our house that day na itinakwil ako ng sarili kong ama.

"Alam kong nagtataka ka, before all else you're in my room right now and we're in our mansion.Second, I carried you that day because I was about to announce something pero na-tameme ako sa harap ng galit na galit mong tatay.Third, I saved you because your Avus is looking for you." mahaba niyang paliwanag and he even emphasized the word Avus.

Avus is my grandfather in father's side, 'yan ang gusto n'yang itawag namin sa kaniya ng kuya at kapatid kong babae.

"Bakit niya raw ako ipinapahanap?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Chill out mahal, hindi ka itatakwil ng lolo mo" napangiwi naman ako nang tawagin n'ya akong mahal.

"Tigil tigilan mo na kakatawag sa akin ng call sign natin noon" sabi ko at dinampot ang tinidor saka nilantakan ang itlog na iniluto n'ya para sa akin.

"I don't want to stop calling you that, i'm still into you" saglit akong natigilan sa sinabi n'ya pero nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi ipinahalata ang pagkagulat ko.

I'm still wondering why is he still into me?I mean the day I let him go he just laugh at me, kahit kailan talaga may sayad siya sa utak.

"Magpalit ka ng damit, someone's waiting for you outside" nginitian niya ako at tango naman ang naging sagot ko sa kaniya.

Binilisan ko ang pagkain at agad na naligo sa bathroom niya, saulo ko na ang mansion nila.I've been here before so I guess feeling at home wouldn't be so bad.

Lumabas kaagad ako matapos magbihis, I saw Axis smiling and walking towards me.Inakbayan niya ako kaya tinapik ko lang ang kamay n'ya na ikinatawa n'ya naman.

"Sino pa lang naghihintay sa akin?" natigilan ako nang makita ang taong prenteng nakaupo sa sofa at nakangiting kumakaway sa akin.

Sinugod ko siya at agad na niyakap, kita ko pa ang pagngiwi niya pero patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kaniya.

"Kuya" at nang yakapin niya ako pabalik ay doon na ako humagulgol "I thought you're dead!"

Tumawa lang siya at patuloy na hinagod ang likod ko.

"I love garfield the cat, I have nine lives lil sis" biro niya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak "Now tell me what happened when Avus is still taking care of me"

Nagpunas naman ako ng luha at ikuwinento sa kaniya ang nangyari, from one week akong ikinulong sa sarili kong kwarto dahil sa ginawa ko hanggang sa nagsinungaling ang pinsan kong si Ctholly kay papa kaya itinakwil ako.

Cogency Duology 1: Her Desired Effects | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon