CHAPTER 10

55 5 0
                                    

'HER WORDS'

XIERA D'SAXE-TOKUGAWA

NAGULAT pa ako nang makita si Ceya na nakababatang kapatid ni Althys, kasama pala s'ya ni Rye pero wala na akong oras para mag-react pa roon.

"Ate Xiera, si ate?Si Rye?" kinakabahang tanong nito

Wala akong ideya kung bakit kinakabahan ang kapatid n'ya pero nilapitan ako ng isang estudyante kanina, nakita raw nila na may duguang lalaking buhat buhat ni Althys kanina papunta sa Altadeo Hospital.

Hinablot ko ang wrist ni Ceya saka kami sabay na tumakbo patungo sa Altadeo Hospital pero pinatigil n'ya ako sandali.

"Ate.. nandito si Tito Rhy at Tita Elina at baka nauna na sila doon" aniya

Si Tito Rhy or Rhysand at Tita Elina ay mga magulang ni Rye, mga magulang n'yang puro business ang inaatupag.

"Tara na, mag-madali na tayo" saad ko na agad n'yang sinang-ayunan

Tumakbo kami sa pupuntahan namin at nagulat pa ako nang makasabay namin sila tito Rhysand papasok sa hospital, galit ang mukha nito kaya mukhang may mangyayaring hindi maganda.

Pagka-pasok na pagka-pasok pa lang namin ay sinalubong na kami ni Althys pero halos mamutla ako nang makita si tito Rhy.

Sinampal n'ya si Althys at saktong dumating sila Art kaya nagulat rin sila sa nangyari, natatakot akong umawat pero pumunta ako sa likod ni Althys at hinawakan ang mga balikat nito.

"Murderer" saad ni tito Rhy at mukhang nag-pantig ang tenga ni Althys sa narinig

"Anong nagawa ko para tawagin mo akong gan'yan?" pabalang na sagot ni Althys rito

"Sigurado akong ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to!" malakas na sambit ni tito Rhy at akmang sasampalin ulit si Althys pero tinabig n'ya lang iyon

"Ano bang nagawa mo sa anak mo?Kung mamamatay tao ako, ikaw naman walang kwentang ama," hindi na ako nag-salita dahil nanlilisik na ang mga mata ni Althys "May bala na ng baril ang humahabol sa anak mo pero inuna mo pa rin 'yang madumi mong pera"

"Wala kang alam!" nanahimik ang buong Altadeo hospital dahil sa away nila

"Sabihin na nating wala akong alam kung saan nanggagaling 'yang yaman mo pero may alam ako sa kung paano mo pangalagaan ang anak mo, noon pinalagpas ko 'yung hinahayaan mong mag-bulakbol lang s'ya sa eskwelahan, no hahaha!May ideya ka nga ba roon?Syempre wala!Kasi busy ka sa pera mo, pero ako meron at nagawa kong ma-ituwid ang daan n'ya na dapat trabaho n'yo ng linta mong asawa!Ngayong hinahabol s'ya ng kamatayan, ako.. ako 'yung taong nand'yan!Kasi nasaan kayo?Nagpapayaman, 'yang yaman n'yo hindi n'yo madadala sa kabaong maski sa langit o impyerno pero itong mga memories na dapat ginagawa n'yo kasama ang anak n'yo ay maaari n'yo pang madala sa susunod n'yong buhay!" walang luha sa mga mata ni Althys dahil ayaw n'yang kinakaawaan s'ya

Cogency Duology 1: Her Desired Effects | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon