CHAPTER 26

28 3 0
                                    

'ZE'VE?'

ALTHYS TREÑAS

MALAPIT na kami sa Altadeo pero may tumawag pa kay Art, he answered it and put it on a speaker.

[Art?'Wag kayong pupunta dito, susunod si Therios kung nasan man kayo-both Altadeo and Valmonte is not a safe place as of the moment]

Boses ni Xiera.

"What do you mean by not safe at the moment?" tanong ni Art

[May mga tauhan nung guy dito-] we heard gunshots pero lamang pa rin ang hiyawan ng mga estudyante [Keep safe, we can't stay longer on the phone]

Then Xiera hung up, I released a heavy sigh dahil namanhid na ng todo ang buo kong katawan.Dama kona rin ang pag-tagaktak ng pawis ko at pagka-tuyo ng mga labi ko.

"We're going to a normal hospital" ani Art at pinaharurot muli ang sasakyan

Hindi naman katagalan ay huminto kami sa isang mataong hospital, nakita ko rin si Therios na naga-abang sa harap ng hospital.When he saw us, he quickly ran towards my space and carefully lift me up as he saw my wounds.

Malapit na kami sa pinto pero may isang pamilya kaming nakasabay, it was a young guy na ka-edaran namin at isang buntis na babae.Halatang manganganak na ito.

"Pa-unahin niyo ang mama ko!" saad ng lalaki pero binangga lang siya ng lalaking nurse at dumeretso sa pwesto namin

Umalis ako sa pagkakabuhat ni Therios at sinalubong ang doctor ng isang malutong na sapak, hinawakan ko ito sa kwelyo at pwersahang iniharap sa babaeng manganganak na.

"Know your freaking priorities.." pabulong ngunit ma-awtoridad kong utos

Nag-bow ito at nagpatulong na buhatin sa stretcher ang buntis na babae, the young boy took a quick glance to me before following the nurses.I was about to fall but Therios catched me, I saw Art in my peripheral vision and I guess he failed to be faster than Therios.

"Madaming pasyente dito dahil may sunog kanina sa kabilang barangay, kahit ibang malapit na hospitals puno- wala tayong tyansang makapasok ng safe sa Valmonte o kaya naman Altadeo saka malayo ang Castellano" saad ni Therios

"My wounds can wait..I just need a little rest" sabi ko sa mahinang boses dahil pagod lang siguro ang katawan ko

"Don't fall asleep" saad ni Art

"I won't" mariin kong sagot

"Hello po," bati saamin nung ka-edaran naming lalaki na tinulungan ko kanina "Baka po may kaya kayong gawin para mapaalis 'yung mga tao diyan sa harap?"

"What?She already helped you and now-" pilit ko naman inabot ang pwesto ni Art at tinampal ang bunganga nito

Sinamaan niya ako ng tingin pero umirap lang ako at lumingon sa lalaking 'yon.

"Anong pangalan mo?Bakit gusto mong paalisin namin mga tao diyan?" pabulong kong tanong

"I'm Ze've Ledger, basta po gawan n'yo ng paraan-it'll help you" anito

Magsasalita pa sana ako nang biglang kumirot ang balikat ko na natamaan ng bala, napakagat labi ako para indahin ang sakit na idinudulot nito.

"That's it" dahan dahan ko namang nilingon si Art dahil sa sinabi nito "Move!"

Pagka-sigaw niya non ay nagpaputok siya ng baril na itinapat niya sa taas, napapikit ako sa ingay na dulot non at natakot naman ang mga tao sa hospital.Nagtakbuhan palabas ang karamihan na bumuo ng malaking espasyo sa hallway ng ospital.

Cogency Duology 1: Her Desired Effects | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon