CHAPTER 36

47 3 0
                                    

'HIS LOVE'

ALTHYS TREÑAS

NATIGILAN kami nang makarinig pa ng yabag mula sa mga puno, kumawala ako sa yakap kay Art at tinitigan ang pwestong 'yon.Nagulat ako nang makita kung sino ang iniluwa non, I gulped as I stare at him.

He's wearing a white laboratory coat and glasses, dahan dahan siyang naglakad papalapit saakin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Ang laki mo na" komento niya

Yumuko ako para ngumiti, nag-mano ako sakanya saka tumigil sa paglalakad nang makitang maliit nalang ang distansya naming dalawa.

"Papa.." tawag ko sakanya

"Na-miss ko 'yon ah" natatawa niyang sabi kaya kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan nanaman ang mga bagong luha mula sa mata ko

Mahapdi na kasi 'yon dahil kanina pa ako umiiyak, hindi ko naman inaasahang darating ang taong hinahanap ko noon pa man.

"Saan ka magco-college?" pag-iiba niya ng usapan

"Sa Altadeo pa rin po.." pahina na ang boses ko nang sabihin ko 'yon dahil ang college para sa mga altadenians ay malayo na talaga

"Ikaw nanga lang natitira saakin, iiwan mo pa ako?" natigilan ako sa sinabi niya

Katahimikan ang namutawi saaming dalawa pero mukhang napansin niya naman 'yon.

"Pero ayos lang.. desisyon mo naman 'yan at pasensya na din kung hindi ko na-punan 'yung mga dapat kong gawin bilang isang ama mo, inuna ko 'yung mga eksperimento ko at inuuna ko 'yung iba kaysa sa sarili kong anak" lumapit siya saakin saka niya ako niyakap ng mahigpit "Pag ayos na ang lahat, babawi si papa sa'yo"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nauwi na 'yon sa hikbi, niyakap ko din siya ng mahigpit na para bang wala nang bukas pa.

"Papa naman.. papa" banggit ko habang patuloy na ngumangawa sa mga bisig niya

Ito 'yung matagal ko nang hinahanap, hinihintay at hinihiling.Ang mayakap siya ulit kahit ilang segundo lang kasi sa mga araw na nakikita ko siya noon, malapit naman siya pero pakiramdam ko parin ang layo layo ng distansya naming dalawa.

"Babawi ako, manonood tayo ng mga paborito mong palabas at kakain tayo sa paborito mong kainan pangako 'yan" sunod sunod niya pang sabi kaya lalo akong napahagulgol

Gusto ko din nun, gusto ko din magawa 'yang mga 'yan.Sana normal nalang ang lahat, kahirapan man ang kapalit mas masaya naman.Kaysa naman mayaman ka nga, nabibili mo nga 'yung gusto mo pero 'yung libreng pagmamahal at atensyon ng pamilya hindi mo naman makuha.

"Papa, gusto ko na umuwi.. umuwi nalang tayo sa bahay nila Ceya at Alcyone papa.. sige na parang awa mo na" pagmamakaawa ko kaya hinagod niya ang likod ko

Ramdam ko ang malalim niyang pag-hinga pero mahinang pag-tawa lang ang narinig ko mula sakanya, gustong gusto ko talaga siyang makitang masaya, dalawa sila ni mama.

"Kung pwede lang anak, kung pwede lang talaga" aniya

Maya maya pa'y may narinig kaming mahinang tunog, kumawala siya sa yakap at tumingin sa wrist watch niya.May pinindot siya doon kaya tumigil 'yon sa pag-tunog.

"Aalis na ako nak, mag-ingat ka ah" may sinenyas siya kay Art kaya naguguluhan ko siyang tinignan

Naramdaman kona lang na hinawakan ni Art ang dalawa kong braso para pigilan ako sa kung anong gagawin ko.

"Pa?Papa!Papa 'wag kang umalis!" sigaw ko at pilit na kumawala mula kay Art "Papa!Nangako ka, tutuparin mo 'yon!Pa!"

Dahan dahan lang siyang umatras bago siya nawala sa mga punong dinaanan niya kanina, pilit pa rin akong kumakawala sa mga kamay ni Art.Kaya pala niya sinenyasan si Art, ito pala talaga ang magiging reaksyon ko.

"Papa!Bumalik ka!" naiiyak kong sigaw

Nakarinig nalang kami ng busina at doon ako pinakawalan ni Art, tumakbo ako patawid sa mga punong 'yon at wala na talaga akong naabutan pa.Tanging usok nalang mula sa makinang naka-alis na, 'yon nalang ang sumalubong saakin.

Napaluhod nalang ako sa semento saka doon humagulgol.Pansamantalang saya lang 'yon pero hindi agad ako maka-get over, nasasaktan ako na kailangan niya nanaman umalis.

Na kahit anong makaawa ko ay hindi ako kakaawaan ng tadhana, sino ba naman ako para bigyan ng simpatya?

"Papa, bumalik ka rito.." habol hininga kong sabi

Hindi nanaman matigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mga mata ko, ang sakit niya eh.Ang sakit na alam kona agad na hindi matutupad ang mga pangakong 'yon, paano ba matatapos 'tong gulo?

Kapag nawala ako ay marami ring mawawala sa clan, tama si Art na ako ang alas nila.Ako ang kailangan nila, ako lang ang choice nila at bakit nga ba ako pa?

Sinasabi nila na ang swerte ko daw dahil nakukuha ko ang atensyon ng mga gwapong lalaking kinaaadikan nila, hindi ba nila alam na swerte sila kasi nakakasama nila ang pamilya nila?

Swerte sila kasi sa hapag kainan pwede silang magsama sama ng payapa at hindi ginagambala ng mga bala at baril, mga mata sa paligid at kung ano mang nakakamatay na gamit.

Hindi ko alam kung bakit sila nagpo-pokus sa mga bagay na wala sila kaysa maging masaya sa kung anong meron sila na wala ako.Pamilya, 'yun 'yung bagay na kina-iinggitan ko sa iba, ano bang pake ko sa mga gwapo kung wala naman akong ina o hindi ko naman kasama ang ama ko?

Ang mga kapatid ko?Maski ang sarili ko naiwawala kona tapos sila gwapo lang iiyakan na?Lalamutakin mo ba 'yang mukha nila?

"Ate" narinig ko ang boses ni Gaia mula sa likod

Pinunasan ko ang mga luha ko saka sila nakangiting hinarap, I gave them the assurance they're looking for.

"I'm fine, may parte lang saakin na nangungulila kaya pasensya na kayo" pag-hingi ko ng tawad

Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko, gumaan kaunti ang loob ko dahil nailabas ko ang emosyon ko sa saglit na minuto.

"Ayos lang naman po umiyak, kailangan mo din 'yan eh" ani Leo

"Saka isa papo hindi ka naman namin kukwestyunin sa nararamdaman mo, wala kami sa posisyon mo" dagdag pa ni Misty

Ngumiti ako sakanila saka tumango tango.

"Salamat"

I extended my arms and they all run towards me to hug me, sometimes I feel lonely but I still can't forget that I have people around me who cares.

Cogency Duology 1: Her Desired Effects | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon