PM02

39 2 0
                                    


kailan?


-

Buong araw ka nang kasama,
ngunit walang ibang madama
kun'di lamig—pilit na mga salita.
Mahal, may problema ba?


Akala mo ba'y hindi ko napapansin?

Mga salitang hindi mo masabi sa akin,
na patuloy mong kinukubli
habang ako'y pilit pinaniniwala
na wala akong dapat na ipag-alala . .


Batid ko na,

ngunit patuloy kong iwina-waglit sa'king isipan.
Ramdam ko na,
pero ayaw ko pa ring paniwalaan.


Nakakapagod, maaari na ba akong sumuko?

Hindi na alam ang gagawin, litong-lito na ako . .
"Ako ba'y iyo nang bibitawan?"
"Mahal, kailan mo ba ako ipaglalaban?"

laia.

5/23/21

One Shot (Poems & Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon