ulan
-Hindi mapigilang umiyak,
habang minamasdan ang bawat patak
ng ulan, na nagpapaalala
ng nakaraan nating dal'wa.
Humihiyaw, nasasaktan,
nagtatanong kung bakit mo 'ko iniwan?
Ano'ng nagawa? Saan nagkulang?
Iyong sabihin nang aking malaman . .
Nagtatampisaw sa basang daanan,
inaalala ang lumipas na sintahan.
Sinasalo ang bawat butil ng ulan,
patuloy na naghahanap ng kasagutan . .
Basang - basa ma'y patuloy maghihintay.
Mahawakan lang muli ang 'yong mga kamay . .—
laia.
5/22/21
BINABASA MO ANG
One Shot (Poems & Stories)
Random- my escape. a safe place for my very random thoughts. coding : ST (Stories) PM (Poems) QT (Quotes)