PM06

35 2 2
                                    


natitirang sandali


listen to: Huling El Bimbo by Eraserheads while reading this.

-

Sa bawat oras na lumilipad,
iniisip ko kung hiling ko pa ba'y matutupad?
Nais sana kitang makasayaw
bago pa man tayong dalawa'y bumitaw.


Ni minsan, hindi ko inakala

na ang pangakong walang hanggan ay mababalewala.
Sa dinami-rami ng ating dinaanan,
mauuwi rin pala sa mapait na katapusan.


'Sana ay mahanap na kita' hiling sa mga tala.

Ikaw pa rin ang hinahanap kahit na ang sarili ko ang nawawala.
Nasa'n na ang pangakong 'di iiwan?
Bakit hinayaan mo akong mag-isang tahakin ang kadiliman?


Matagal nang hinihintay ang trahedya na sumapit,

"Patuloy kitang hahanapin" sambit ko bago pumikit.
Ngunit 'di inaasahang magigising sa isang k'warto,
nasusurpresa na ikaw ay kasama ko.


Oh mahal ko

hawakan mo ako,
sabayan natin ang musika,
iikot, iindak, walang iisiping iba.
Magsasaya na para bang sa atin ang mundo.
Aking sinta, sa'yo ang huling sayaw ko.

laia.

[ posted here on Oct. 31, 2021 ]

11/8/21

One Shot (Poems & Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon