Hindi Lito ang pangalan ko, ngunit patuloy pa rin akong nalilito.-
Ang iyong boses ay nanatili sa utak ko na parang sirang-plaka,
kasama ang mga
paulit-ulit kong tanong, na ang sagot ay puro 'baka'.
Unti-unting naglalaho ang lahat, bawat kisap-mata,
sakit na nadarama ay hindi matukoy gamit ang mga salita.
Tinuring ka na parang gintong may mataas na halaga.
At ako'y naging isang ingat-yaman, ipinapangilin ka.
Ngunit naging taingang-kawali nga ba ako sa mga sinabi nila?
Na hindi ka karapat-dapat makadama ng aking pag-aalaga?
Para tayong tula na hindi nagtutugma.
Hindi ka maintindihan, para bang iba ang 'yong inang-wika...
Para kang pangungusap na aking inakala
na buo, ngunit isa lamang palang parirala.
Para tayong nasa isang laro,
at sa pagkaka-alala ko,
dapat sanggang-dikit tayo dito.
Nais nating manalo, at sabi mo ay may naisip ka nang plano.
Gumawa na ng tulang sulat-kamay..
Humigit-kumulang 'di mabilang ang oras na ika'y hinihintay..
Sabi mo may plano ka na...
Hindi ka si Kuya Kim, pero nais kitang tanungin kung.. ano na?—
laia.
04/03/22

BINABASA MO ANG
One Shot (Poems & Stories)
Random- my escape. a safe place for my very random thoughts. coding : ST (Stories) PM (Poems) QT (Quotes)