PM07

34 2 1
                                    


pahinga mo


listen to: Magpahinga by Ben&Ben while reading this.

-

Lubog sa problema,
hindi alam kung saan kakapit.
Emosyong halo-halo na,
Hindi na makahinga, wari'y naiipit.


Inipong mga luha ay tumatakas

naimbak na saloobin, lahat ng ito'y kusang lumalabas.
Mahal, nandito ako para damayan ka
pasisiyahin, patatawanin ka, 'pag ika'y hinang-hina na.


Hindi kasalanan ang umiyak at magpahinga,

hindi mo kailangang magpanggap na masaya
kung hindi mo na talaga kaya.
Sandali lang, huminto ka
'wag mo munang isipin ang mga problema.


Ang bisig ko'y gawin mong sandalan,

aking tinig ay gawing takbuhan.
Sa tuwing kailangan mo ay 'di mawawala,
asahan mo iyan, ika'y magtiwala.


Malayo na ang narating mo, mahal ko . .

Hindi ito ang oras para umatras at sumuko.
Kakayanin mo ito,
tandaan mo ;
Narito lang ako
at hindi ako magsasawang
maging pahinga mo.

laia.

11/16/21

One Shot (Poems & Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon