ST03 (PART I)

35 3 13
                                    

>grammatical & typographical errors ahead!

His Last

..........

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU.." malakas na kanta ng mga magulang ko pagka-mulat ko pa lang ng mga mata ko. Hindi naman halatang inaantay na lang talaga nila akong magising para mabati.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila habang kumakanta sila. Hawak ni Mama ang isang bilog na chocolate cake habang si Papa naman ay abot-tenga ang ngiti with matching palakpak pa habang kumakanta. Nang matapos ang kanta, napaupo ako mula sa pagkakahiga para i-stretch ang mga kamay ko at maabot sila.

"Thank you Mama, Papa.." sambit ko habang niyayakap sila nang mahigpit.

"Happy birthday 'Nak! Bente-dos ka na agad, dati ang liit-liit mo pa, ngayon, ang liit mo pa rin.. Hahahaha!" pang-aasar ni Papa pagkatapos niyang kumalas sa yakap, sinamaan ko lang siya ng tingin pero mas lalo lang siyang humagikgik.

"Birthday na birthday ng anak ay inaasar," panunuway ni Mama sa kaniya. "Maligayang bertdey anak! Kanina ka pa namin inaantay magising, kanina pa kasi ako tapos magluto ng almusal," pagtutuloy niya, "Kakasimula ko lang din magluto ng handa mo mamaya, pero sabi kasi ni Nikolai salubungin ka na daw namin ng bati pagka-gising mo," tukoy niya sa kasintahan ko.

"Nasaan siya, 'Ma? Bakit 'di siya sumama sa pabati niyo?" halata ang dismaya sa boses ko. Paano kasi, iniisip ko na siya ang unang babati sa akin bago ako matulog kagabi. Hindi naman sa ayaw ko na sila Mama ang unang bumati sa akin, pero 'yun kasi ang inaasahan kong mangyari.

"Nandoon sa kusina, siya daw muna magbabantay ng niluluto kasi nga pinaakyat niya na kami dito," nangingiting sagot niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at i-angat ang tingin ko sa kaniya "Nagtatampo ang Ishang natin, 'Pa," mas lalo akong napabusangot nang banggitin na naman ni Mama ang baduy kong palayaw na ginawa nila para sa'kin.

"Mama naman! Ang ganda-ganda ng pangalan kong ALYSSA, p'wede namang Aly o kaya Ysa, ginawa pang 'Ishang' " saad ko bago paikutin ang mata ko sa pagka-irita.

"Pakielam mo ba, kyut kyut kaya ng Ishang," natatawang sagot ni Mama bago bitawan ang baba ko. "At saka, 'wag ka na magtampo, bago ka pa magising, hiniram ka na ni Niko sa amin. Aalis daw kayo mamaya. Kaya kung ako sa'yo tatayo na ako diyan at magsisimula nang mag-ayos. Baka daw 'pag 'di kayo nakaalis bago mag-ala una ng hapon ay gabihin kayo.." mahabang kuwento ni Mama.

Agarang nagliwanag ang mukha ko at hinalikan sila sa kanilang mga pisngi.

"Sige 'Ma, 'Pa! Labas na kayo sa k'warto ko at maghahanda na ako! Shoo! Shoo!" pagpapaalis ko sa kanilang parang mga insekto lang.

Nagtinginan muna sila saglit at sabay na napatawa bago tumayo at lumabas ng k'warto ko. Nag-inat inat muna ako bago namili ng susuotin. Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon ah?

"Hmmm.." mahinang huni ko pa habang iniisa-isa ang mga damit kong pang-alis.

"Ano bang susuotin ko sa inyo.." nawawalang pasensiyang sabi ko dahil hindi na talaga ako makapili!

Sa huli ay nauwi na lang din ako sa cropped-flannel na may longsleeves at kulay asul.  Denim shorts naman para sa pang-baba. Papartner-an ko na lang ng chucks mamaya 'to. Gusto ko sana mag-dress kaso sigurado akong magmo-motor mamaya si Niko at hahanginin 'yung suot ko 'pag umandar na.

*****

"Lys, we will be using my motor later..." sigaw ko kay Alyssa nang makita ko siyang bumaba sa sala. Nasa kusina ako at nagbabantay ng niluluto ni Mama.

One Shot (Poems & Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon