ST01

101 7 21
                                    


>grammatical & typographical errors ahead!
>tw: curses


MAGKAIBA TAYO

.......

I'm at the park, calming the chaos in my mind.

Healing my heart from the pain you've left to me.

But how can I heal if I'm at the very place where it all started?

-

Maraming mga tao rito na hindi ko kilala. Maraming mga bata. Maraming mga pamilya. Maraming magkasintahan.

Maingay, pero mas maganda na rito.

Gusto ko lang munang takasan ang gulo sa buhay ko.

Hindi ko maiwasang isipin kung sa kumpol ba ng mga tao na narito ngayon, may isa kaya sa kanila na nararamdaman din 'yung nararamdaman kong sakit ngayon?

Nangilid ang luha ko pero napigil ko ang pagtulo nito nang biglang tumunog ang telepono ko.

"Nasaan ka?"

Mensahe niya.

Inilabas ko ang mapait kong ngiti.

"Ikaw na naman. Hindi mo pa rin ba ako tatantanan?" mahinang wika ko sa'king sarili.

Ako na nga 'tong lumalayo, pero habol pa rin siya nang habol.

Na parang hindi naman siya 'yung dahilan ng paglayo ko.

Palibhasa, alam niya kung anong kahinaan ko. Hindi ko siya kayang tiisin kasi alam niyang mahal ko pa siya.

Bakit nga ba mahal ko pa siya? Kahit na napaubaya ko na siya sa iba?

Natigil ang pag-iisip ko nang may nakita akong pusa na lumapit sa paanan ko.

"Ang ganda naman ng timing mo miming. Sa'yo na lang muna ako magku-kwento ha?" sambit ko sa pusa na para bang naiintindihan niya ako. Mas lalo naman siyang lumingkis sa paanan ko.

"Sa tingin mo ba lagi na lang ganito? Kapag magmamahal tayo? Hindi ba p'wedeng wala na 'yung sakit? Nakakapagod na kasi." simula ko.

"Nakakapagod na 'yun na lang lagi 'yung sitwasyon na binibigay sa'kin ng buhay. Ako lagi 'yung hindi nang-iiwan kahit na gaano kagulo 'yung sitwasyon. Ako na lang lagi 'yung nando'n para manatili sa tabi ng ibang tao kapag kailangan nila ng kasama. Pero sa dulo, ito... Ako 'yung walang kasama. Ako 'yung nasasaktan. Ako 'yung mag-isa."

Tumulo na ang luha ko kaya agaran akong yumuko at nagpunas.  Unti-unti na ring tumakbo papalayo 'yung pusa. 

Tignan mo, pati pusa, iniwanan na ako.

Natawa na lang ako sa naisip ko. I-aangat ko na sana ang ulo ko mula sa pagpupunas ko ng luha, nang may makita akong pares ng sapatos sa harapan ko.

Dave.

"Hmm, hi?" mahinang sabi niya, dama ang hiya.

Hindi ko siya sinagot at ibinaling ko ang tingin sa ibang parte ng parke.

"Hindi mo sinasagot 'yung mga tawag at messages ko. Kamusta ka?" sunod niya. At naupo sa tabi ng bench kung saan ako nakatambay.

Alam naman na niya sigurong wala ako sa wisyo para makipag-usap sa kaniya, nagtanong pa.

"Mm, still recovering I guess?" ngumiti ako nang sobrang pilit. "Ikaw ba? Kamusta ka? Kamusta kayo?" pahabol ko. Hindi ko pa rin siya nililingon.

One Shot (Poems & Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon