first love, first heartbreak.-
Lubos ang saya nang ikaw ay makilala.
Tipong hindi na ako hihiling ng iba pa.
Unang beses na tumibok itong puso,
ako'y nalulugod dahil ikaw ang nais nito.
Tila pinanigan ako ng buong daigdig
nang suklian mo ang aking pag-ibig.
Sayang walang katumbas na iyong pinadama
pana nga ni Kupido'y sa atin tumama.
Dumating ka sa buhay ko
na buo ang aking puso.
Ngunit sa paglisan mo'y
kasabay ng pagdurog mo rito.
Akala ko'y puro saya lamang
kapag ikaw ay nagmahal.
Pero nang magising sa katotohanan,
reyalidad ang sa aki'y sumampal.
Walang libre sa panahong ito.
Lahat may kapalit.
Kaya, hindi libre ang magmahal
kaakibat nito ang dalamhati, pighati, at sakit.
Ikaw 'yung dahilan kung bakit ako nagmahal.
Kaya ikaw din 'yung dahilan
kung bakit ako nasasaktan.-
laia.
8/13/21
BINABASA MO ANG
One Shot (Poems & Stories)
Casuale- my escape. a safe place for my very random thoughts. coding : ST (Stories) PM (Poems) QT (Quotes)