Quarrel & Sorrow
--------–-----------------------
Caleb Austin POV
"Cheif, ano po yung progress?" Nagbabasakaling tanong ni mommy sa police.
"Ma'am pasensya na, it's been 3days but we didn't recover any body of person baka napunta sa mas malalim na bahagi ng dagat ang katawan niya. Pahirapan din po kasi ang paghahanap noong nakaraan dahil sa bagyo!" Paliwanag ng police kay mommy.
This past few days hindi nila ako kinikibo ni mommy at daddy. I know they're mad at me dahil di ko binantayan si Lexta. I'm guilty with it!
Tinignan ko si daddy kausap niya ang leader ng search and rescue operation lumapit ako doon para marinig ang pag-uusapan nila.
"Sir wag po sana kayo magagalit sa sabihin ko. Sa tingin ko kasi malabo na pong mabuhay si Ma'am, sa itsura po kasi ng kotse," Tinuro nito ang kotse pero wala duon si Lexta, wasak ang windshield yupi ang mga bahagi nito. "Baka patay na po si Ma'am."
Narinig ko ang hagulhul ni mommy, dahil sa narinig nito pati si daddy ay naiiyak pero agad niyang nilalabanan iyon dahil kailangan niyang maging malakas para kay mommy. Nakaramdam ako ng pagbigat ng dibdib ko, gusto kong sumigaw dahil sa walang magawa ako.
When she's here, she always cheer me up! Buy, now wala na..
Tumalikod ako sa kanila ni mommy, at pumunta kung saan sila Jeny naruon. Nakikibalita rin sila, habang papalapit ako ay tinitignan ko sila Devi at Minerva.
Kung hindi sila pumunta dito okay pa kaya ang lahat? Walang ganito? Walang guilt na nanahan sa pagkatao namin? Tahimik siguro kaming dalawa ni Lexta kung hindi sila sumunod dito.
"Sana hindi nalang kayo sumunod sa amin dito," Naiusal ko nalang iyon bigla ng makalapit na ako sa kanila.
"A-ano?" Di makapaniwalang tanong ni Jeny.
Napayuko ako naiiyak na, "Kung siguro di kayo sumunod di mangyayari toh! Walang ganito, walang guilt.. o-okay ang lahat!" Nabasag ang boses ko.
"Babe," Tanging naiusal ni Jeny.
"Nagagalit ako d-dahil, wala ako sa tabi niya noong nalaman niya yung totoo! Wala siyang karamay, at ako... A-ako tinulungan ko kayo maglihim sa kanya.." Umiyak na ako, "P-parang naging isa ring akong nanloko sa kanya!"
"Dre," Tinapik ni Hades ang balikat ko.
"Ano ba kasi pumasok sa kukute mo Davi, bakit mo pinatulan tong si Minerva?! Hah? For fuck sakes girlfriend slash fiancé mo yung kapatid ko!" Dinuro ko silang dalawa.
Umiyak si Minerva.
"Naging okay naman lahat pag-alis namin sa SoKor bakit ganito?! Bakit may nabuntis na? Hah?!" I frustratedly asked them.
"Sinong buntis?" Boses iyon ni mommy galing sa likuran ko. Napatigil ako.
Humarap ako sa kanya, she's looking at me questioning, "Who's pregnant Caleb?" She repeated.
"M-mom," Alanganin kong sabi.
"Ano who's pregnant?" She asked again irritatedly.
I can't uttered a word, hindi ako makasagot! Kinakabahan.
"I'm sorry," Tangi kong nasabi kay mommy.
She look at me, nalilito, " Why are you saying sorry?"
"I'm sorry mom....sorry," Napaluhod na ako, umiiyak. Agad lumapit si mommy sakin, pinapatayo ako.