Chapter 8

5 2 0
                                    

"Hwuy! Mashakett!!"  Sabi ko habang pinipilit na kinukuha ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Oyyy! Janel namumula na yung pisngi niya oh!"  Sabat ni Cielo. Isa sa mga kaklase namin. Napansin niya siguro na pinanggigilan pa rin ako ni Janel.

Binitawan niya naman ako at hinaplos yung pisngi ko. Ang hapdi! Langyah naiiyak ako!

"Luh!! Ang pula! Sorry na Gab-gab."  Natataranta niyang sabi habang hinahaplos ang mga pisngi ko.

"Jan! Hala! Bakit namumula yang mga pisngi ni Gab? Pinanggigilan mo na naman noh?"  Tanong ni Joery nang makita niya ang sinapit ng pisngi ko.

Ang hapdi talaga!

Nagsilapitan naman sila Jerrecz, Chad, Ronarxiell, lMark Lester, at Darwin pati na rin yung iba pang mga kaklase namin.

Paktay! Center of attention na ako nito. Ayaw ko nito!

"What happened in here?"  Sabi ng isang baritonong boses.

Lupa kainin mo ako kahit na napakahapdi parin ng pisngi ko!

"Eh.. Sir may pinanggigilan po kasi ang kaklase namin. Kaya ayun ang pula ng pisngi sigurado akong ang hapdi-hapdi nun."  Sabi nung sipsip naming kaklase. Matatahi ko talaga tong bunganga nito!

"Sir wala lang po yun. Hehe."  Sabi ni Mark at Ronarxiell habang tinatakpan nila kaming dalawa ni Janel.

Sakto lang yung ginawa nila. Gulo to eh. Bakit pa kasi sila nagsilapitan ayan tuloy!


"Let me see it."  Sabi niya sa matigas na boses. Walang nagawa yung dalawa kundi ang umalis sa aming harapan. Ayaw ko sana silang umalis eh!

Tinago ko nalang yung mukha ko sa leeg ni Janel habang hinahaplos niya yung likod at buhok ko.

Naramdaman kong may yumuko sa harapan namin. At hindi ako tanga para hindi malaman kung sino yun. Mas lalo akong sumiksik sa leeg ni Janel dahil doon.

"Let me see it."  Sabi niya sa malamyos na tinig.

Umiling ako. I heard him heaved a deep sigh. Naramdaman ko na lang na bumitaw si Janel at umalis sa kanyang upuan.

Haluh! Iniwan ako dito!

"For the students who's not exempted for physical activities. Please proceed to the court and do some stretching. Now."  Sabi niya sa kanila. Isa-isa silang umalis hanggang sa kami na lang dalawa ang nasa room.

Bakit biglang naging maliit ang pakiramdam ko dito sa silid na ito?

"Okay. Let me see it."  Saad niya sa akin. Pareho sa tinig kanina.

Umiling pa rin ako. Nakakahiya!

"Please."  He said with a sweet voice. Kaya napatingin ako sa kanya.

He flash me his genuine smile. Ngayon ko lang na pagmasdan ang kaniyang mukha. With his disheveled chestnut hair, chiseled jaw, thick eyebrows, pointed nose. Mahihiya ang ilong ko sa katangos ng kanya. His pinkish lips na para bang nagli-liptint siya ng pink  dahil ang pink talaga ng mga ito.

Nahihiya kong linihis ang tingin palayo sa kanya. Nagawa ko pa talaga yun? My jesh!!!! Ilan na bang kahihiyan ang ginawa ko ngayong araw na to?

"Hey look at me."  Sabi niya at maingat niyang hinaplos ang pisngi ko na namumula. Napamaang naman ako sa kanya.

He Ghosted Me (Dela Vega Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon