Chapter 5

5 2 0
                                    

I think it's my lucky day. Dahil nadinig ang aking dasal plus may special award pa na mula kay Janel Dane na sagot sa lahat ng assignments namin.

"Hinay-hinay sa pagkopya mga kabadiborts. Baka pareho na tayong zero niyan. Hahaha."  Hindi lang namin siya pinansin dahil busy kami sa pagsagot I mean sa pagkopya. Yes, kami dahil marami kaming nangopya kay Janel Dane. Ako, si Shanamae, si Rochelle May, including yung mga close boy friends namin na sina Darwin, Ronarxiell, Jerrecz, Mark Lester, Chad Kelly, at Joery.

Oh diba! Kapit lahat sa isa! Ganito talaga kami kapag tinatamad kaming sumagot sa mga aralin. Kung sino ang may sagot sa isa sa amin doon kami magkukumpulan.

Kapag sa report naman. Naku! Lumalabas talaga ang kanilang pagkatuso. Lihim na makipag-exchange ng grupo ang mga tukmol kapag nalayo ako sa kanilang grupo. Kaylangan talagang may makagrupo akong dalawa o tatlo sa kanila. Mga baliw talaga!

Pero wag ka! Mga matatalino yang mga yan. May pagka-adik lang talaga I mean may pagkatamad pala.

"Oy! Hindi pa ako tapos. Ibalik niyo muna yang notebook dito!"  Sigaw ni Darwin ng agawin ni Chad Kelly at Joery ang notebook ni Janel Dane  sa kanya.

"Mga gague!"  Hinabol niya ang mga ito. Childish talaga! Mukhang mga preschooler kung makapaghabulan sa classroom.

"Hoy! Notebook ko!"  Sigaw naman ni Janel at sumali sa habulan. Swerte sila dahil wala pang teacher ang dumating.

"Dzaii tapos ka na?"  Kulbit ni Shanamae sakin.

"Yes kanina pa. Ikaw?"  Balik kong tanong sa kanya.

"Hindi pa eh. Kinuha kasi nila Chad at Joery yung notebook ni Janel. Hindi pa naman ako tapos."  Maktol niya.

"It's okay. Actually hindi ko kinupya lahat ng sagot ni Janel, yung sa activity 1 lang. Sa activity 2 and 3 ako na ang sumagot dahil alam kong mga gague ang mga yun."  Nilahad ko sa kanya ang aking notebook. Kinuha naman niya kaagad ito.

"Sana all! Makasagot agad-agad."  Napatalon naman ako ng sundutin niya ang tagiliran ko.

"Oy! Wag diyan! Malakas ang kiliti ko diyan!"  Sabi ko na pilit sinasangga ang kanyang mga kamay na susundutin naman sana ako.

"Oy virgin ka pa pala dzaii!"  Parang tangang tanong niya.

"Gague! Anong tingin mo sakin? Proud NBSB kaya ako no!"  Singhal ko sa kanya.

"Eh. Ginaya ko lang yung uso ngayon noh! Kapag may kiniliti ka sa taligiran at kapag nakikiliti siya ibig sabihin daw nun ay virgin pa."  Sabi niya na mangha-mangha sa nakalap na impormasyon.

"Luh! 21st century na tayo dzaii. Yan din sinabi ng classmate ko dati noong elementary pa lamang ako."  I eyed her incredulously.  "Parang mabubuang ako sayo dzaii. Ah basta! Ibahin mo ang mga answers kapag kumupya kana. Doon muna ako sa desk ko."

Nagtungo na ako sa aking desk pagkatapos kong sabihin yon sa kanya. Umupo ako at binuksan ko ang aking bag. Hinanap ko doon ang binili ni ate Shing na journal notebook para sa akin. Si ate Siarra Cafuente or kilala bilang Ar-ar ay cousin ko sa side ni mama. Halos magkapareha kami ng mga gusto at hilig. Kaya noong nalaman niyang mahilig akong sumulat, binilhan niya ako ng journal book para daw doon ko isulat katulad niya.

Ng makita ko na ang journal notebook ko kinuha ko na ito at nagsimulang basahin ang mga isinulat ko. Natatandaan ko pa nga noong binigay niya yun sa akin. Hindi niya daw gusto yung quote sa cover ng notebook. Hindi siya yung notebook na ginagamit sa paaralan medyo mataas siya at malaki ang mga line na susulatan. Color aquamarine at may design na mga hearts na maliliit ang cover nito.

He Ghosted Me (Dela Vega Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon