Chapter 24

1 1 0
                                    

I want to say hi to CresVel. Stay beautiful and safe!

Enjoy reading.❤

Kanina pa ako nagsosolve dito sa classroom ni tita. And trust me, malapit na akong masiraan ng ulo. It's Monday, and we're having our lunch time. Yung lunch time ko ay ginamit ko sa pagsosolve ng math na ito.

I know how to add, subtract, multiply and divide. Pero bakit may pa to the lowest number, highest number, to the second power and third power na yan!

Ang dami ko na ngang problema dito sa mundo. Dadagdag pa 'tong math nato.

"Rac? Sa faculty room muna ako. Pagkatapos mo diyan' kumain ka na. Kanina ka pa walang kain."  Paalam ni tita sa akin.

"Okay po."  

Nakatutok parin ako sa papel kong puno ng mga sinusolve. Di ko nga alam kong matatawag ko pa yung papel. Mukha na kasing basura.

Hayyy! Ano ba kasi ang dapat kong gawin? Nakikinig naman ako palagi sa aming math teacher, ah? Pero, mukhang malabo rin'. Para kasing nanonood lang ako ng K-drama na walang subtitle, e!

Again and again, I tried to solve the number four again. Ilang attempts na ang ginawa ko pero hindi ko parin' makuha-kuha ang tamang answer. 

Ilan pa bang try ang kailangan ko para lang makita ang sagot? Nakakastrees naman to.

And again, I tried. Solve, erase, tapon, solve, erase, tapon. Yan lang ang ginagawa ko buong magdamag. Nang magsawa ay hindi ko na talaga napigilang sabunutan ang aking sarili.

"Ughhhh! Gumana ka naman brain! Kahit ngayon lang!"  Sigurado akong nagmumukha na akong baliw dito.

Sinasabunutan ko parin' yung sarili ko ng may bumulong sa aking tenga.

"Rawr." 

"Mama!"  Sigaw ko dahil sa gulat.

Lumingon ako sa taong bumulong sa akin na ngayon ay grabe kung tumawa. Sa lahat ng estudyante dito ako pa talaga ang napagtripan. Bwesit!

"Ikaw na babae ka! Ako pa talaga ang napagtripan mo! Kita mong seryoso yung tao, nangtrip ka pa!"  Sigaw ko sa taong tumatawa sa aking harapan.

"At may gana ka pang tumawa?"  Naiimbyerna kong tanong dito. Nang hindi ito sumagot dahil sa pagtawa. Pinagpalo-palo ko ang braso niya.

"Hahaha--Aaray! Hah-Ang sakit! Okay! Sorry na. Sorry!"  Hinging paumanhin niya at pilit sinasangga ang mga kamay kong pumapalo sa kaniya.

"Bagay 'yan sayo! Binubwesit mo ako, e. "   Singhal ko sa kaniya.

"Sorry na nga diba?"  Sarkastiko niyang sabi. Sumimangot lang ako at bumalik sa pagkakaupo.

Nakakasira ng konsentrasyon 'tong Deo Gracia na 'to.

"Bakit ka nandito? Asan ba sila Rochelle at Shanamae?"  Tanong ko sa kaniya.

Umupo siya sa silyang nasa aking harapan. "Hindi ko nga sila nakita, e. At saka bawal na bang pumunta dito?"  She said and rolled her eyes.

Napalabi ako. "Highblood? Nagtatanong lang naman ako." 

"Hahaha. Joke lang, ikaw naman. By the way, hindi ka parin' ba tapos diyan? Malapit na ang time oh."  Ani niya at tumingin sa papel kong hindi pa nangangalahati ang sagot.

Tumango ako. "Hindi pa. Stress na nga ako, e! Paano ba 'to?"  Sana tutulongan ako nito. May tupak pa naman 'to minsan.

"Sige nahhhh."  I pleaded, plastering my most adorable face. I don't know if it can be called adorable because of Janel's disgusted reaction while looking at my face.

He Ghosted Me (Dela Vega Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon