Chapter 19

4 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa library ngayon dahil may pinapagawa ang aming English teacher sa akin. Kanina pa nga ako naglilibot sa dito dahil hindi ko pa nakita yung sinasabi niyang libro. Asan na ba kasi 'yun?

Kanina pa man din' nagrereklamo tong tiyan ko! Pumunta ako sa pinakagilid ng library nagbabakasakaling nandoon. At nandoon nga yung librong kanina ko pa hinahanap. Langyang libro! At langyang height!

Ginagago ba ako nito?

Bakit nasa itaas yung libro?!

Hindi naman gaano kababa ang height ko pero masyadong mataas yung istanteng pinaglalagyan ng mga libro. Maraming salamat kuyang librarian.*Note the sarcasm*

Humanap ako ng silya bago pa mahigh-blood ako dito. E! Sa walang tumulong sa akin, sino pa ba ang aasahan ko? May mga kaniya-kaniyang mga mundo yung mga kaibigan kong kinakalawang!

Pumatong ako sa silya at inabot ang libro. Tumingkayad pa ako dahil hindi ko maabot 'yun. Ugh!

"Gotchaa---Aaahhhh!!!"  Nakuha ko na nga yung libro pero sadyang malas lang talaga ako ngayong araw na ito. Nakuha ko na nga pero ako yung nahulog.

Sigurado akong masakit ang kababagsakan ng aking katawan.

Lumanding ang aking katawan sa isang matigas na..............

Semento. Bwesit! Ang sakit ng balakang at likod ko!

Akala niyo matigas na kamay no? Reality to mga dzaii. Ang sakit ng semento! Reality hurts nga naman.

Tanggapin nating wala talagang handang sumalo sa atin' sa panahon na tayo ay hulog na hulog na. Only our self can catch our self.

Grrrr!!! I shake my head. Ano yung iniisip ko? Myjesh!!! Nakakasuka.

Bumangon ako sa pagkakahulog at pinagpagan ang sarili. Mukhang doon na muna ako sa classroom nito. Ako lang naman kasi ang nandito, wala yung librarian. Baka kumain na ng tanghalian. Sana all! Kumain na. Ako ito kawawa.

Umalis na ako doon at napagpasiyahang pumunta muna sa tindahan. Bibili na lang muna ako ng snacks. Nakalimutan ko yung baon ko sa bahay e.

Habang papalakad ako. Hindi ko talaga maiwasan ngumiwi at humawak sa aking balakang. Ang sakit kaya! Plus may mga estudyante pang tumitingin sa akin, may mga nagtataka, may iba naman na walang pakialam, at may ibang ililihis ang tingin para hindi ko makita ang pinipigilan nilang tawa. Sige! Pigilan niyo lang. Ba't kasi hindi pa itawa?

Pumasok kaagad ako sa tindahan ni Lola Luciana pagkarating ko lang. Okay lang naman dahil kaibigan ko si Lola.

"Hi Lola."  Bati ko sa nakatalikod na si Lola Luciana.

"Palaka kang bata ka! Aatakihin ako sa puso sayo Rac. Ano bang kailangan mo?"  Gulat na anya ni lola.

"Makikain sana ako la. Hindi pa ako nakakain e! Nakalimutan ko yung baon ko sa bahay."  Napakamot ako sa aking ulo dahil dun.

"Mag a-ala-una na ng hapon wala ka pang kain?! Maryusep! Bakit hindi ka pumunta dito kanina? Alam mo namang may klase pa kayo at matagal pa bago mag-uwian!"  Galit niyang sabi. Akmang kukunin niya na sana ang rice cooker ng pigilan ko siya.

"Joke lang po 'yun la. Bibili na lang ako ng biscuit at mineral water. Sakto na po 'yun sa akin. May diet kasi ako."  Tumawa ako ng samaan niya ako ng tingin. Tinaas ko yung dalawa kong mga kamay at sinabing, "Chill la, chill."  Kaya ayon, nakatanggap ako ng palo ng plato sa ulo. Arawts!

"Aray la! Para saan 'yun?"  Tanong ko sa kaniya at hinihimas ang noo na nasaktan. Charuwt lang. Hindi na man ganun kasakit. Mahina lang naman ang pagkakapalo ni Lola.

He Ghosted Me (Dela Vega Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon