Chapter 1

42.6K 604 26
                                    

"Eos halika na at sumama ka na sa amin sa club! Pera din yun ano! Maghuhubad ka lang pagkatapos sasayaw, may pera ka na! Kaunting lunok lang naman eh lalo pa at madami kayong pinagkakautangan ngayon." sabi ni Adel habang nag-aayos sa harapan ng salamin.

"Oo nga, Hindi ka naman makikipag-sex kung kanino man sa mga lalaki roon. Atsaka teh! Mga mayayaman ang pumupunta doon. Kaya nga isasama ka namin kasi alam naman naming mas kailangan mo ng kita ngayon. Hindi rin naman sapat ang kita mo sa pagiging janitress dyan sa canteen kaya sige na." sabi naman ni Habi.

Napayuko na lamang ako at pinagdikit ang mga paa ko. Kakayanin ko bang sikmurain iyon? Kahit ba 24 anyos na ako eh pinakakaingat-ingatan ko ang sarili ko. First kiss nga wala pa ako eh. Kahit boyfriend wala dahil wala akong oras para sa mga ganoong bagay.

Alam ko naman kasi na sa oras na tumapak ako sa lugar na iyon ay imposibleng walang mangyaring kung ano man.

Kung sana lamang ay nakapagtapos ako ng pag-aaral ay hindi sana kami mahihirapan ng mga kapatid ko at malulubog sa utang ngayon.

Wala naman akong malapitan na ibang kamag-anak lalo pa at kamamatay lang ng tito ko, dalawang buwan na ang nakakalipas. Kaya rin ako nagkanda-baon baon sa utang dahil sa mga ginastos namin para doon.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka lumunok ng ilang beses. Isang gabi lang naman eh. Susubukan ko lang naman eh para lang may ipandagdag sa mga gastusin namin.

Kung hindi ako kakapit sa patalim ngayon ay baka sa kalsada na lamang kami pulutin mag-kakapatid.

"Sige, anong oras ba?" tanong ko sa kanila at pakiramdam ko, lahat ng dugo ko sa katawan ay unti-unti ng nauubos.

"ANO BA NAMAN iyan Eos, kahit anong gawing baba mo dyan sa suot mong bistida eh wala pa ding mangyayari kasi tatanggalin mo din yan mamaya eh. Atsaka anong ikahihiya mo, maganda ka naman at isama mo pa iyang pang-modelo mong katawan." sabi ni Habi habang ina-applyan ako ng make-up.

"Naiilang kasi ako eh. Ngayon lang ako nag-suot ng ganitong damit sa buong buhay ko. Hindi ko pa maiwasang matakot kasi alam kong madaming kalalakihan sa labas na nag-aabang sa ating lahat." mahinang wika ko at nakita ko ang awang bumalatay sa kanyang mukha.

"Pasensya ka na, Eos ha. Pinilit ka pa namin ni Adel na sumama sa amin rito. Wala din naman kasi kaming maisip na trabahong pwedeng makatulong sayo dahil pare-pareho lang tayong gipit." malungkot nitong wika at umupo sa tabi ko.

"Ano ka ba, wala iyon ano. Wala naman kayong kasalanan dahil choice ko din naman ito." pampapalubag ko sa loob nito at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos ng pag-aayos namin at pagbibigay ng instruction ni Ms. Eba para sa gagawin namin ay tumayo na ako para humarap sa salamin. Ganoon na lamang ang pagkanganga ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

Itong suot kong tube dress na aabot lang sa kalahati ng hita ko at halos lumabas na ang dibdib ko dahil sa pagkaka-gawa ng tela, ang stilletos na patusok, ang maayos na pagkakapusod ng buhok ko at lalo na ang dark make-up na inilagay nila Habi at Adel sa mukha ko. Pakiramdam ko, para akong ibang tao.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang marinig ko ang lakas ng hiyawan ng mga kalalakihan sa likod ng pulang tela na ito.

"Okay, girls halika na at kailangan na kayong ihain sa mga gwapong fafa sa labas." sabi ng isang bakla na nakasuot ng bunny costume. Napangiwi ako sa aking nakita.

Itinulak niya kami palabas ng stage kaya lalong lumakas ang mga hiyaw ng mga lalaki sa paligid. Hinatak naman ako ni Habi at may ibinulong muna sila sa akin ni Adel habang inaayos ang kantang sasayawin namin .

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon