Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na para akong nakalutang sa ere. Pupungas-pungas kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Zel.
Inilapag niya ako sa kama at tumabi din sa akin tsaka kami kinumutan dalawa.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Gutom ka ba? Anong oras na ba at ipaghahanda kita ng hapunan." medyo inaantok kong tanong sa kanya.
Inilgay niya ang ulo ko sa braso niya at hinapit ako palapit sa kanya. Hinapo ko naman ang noo niya at nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman na hindi na siya inaapoy ng lagnat.
"Just sleep. Alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na." malumanay niyang wika kaya napayakap ako sa beywang niya.
"Gabi na eh. Kailangan mo na kumain ng hapunan para makainom ka ng gamot." sabi ko sa kanya.
Kita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya at sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Parang gusto ko ata na lagi na lang akong may sakit para malambing ka sa akin palagi." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Masama iyang hinihiling mo, Zel. Hindi maganda na magkasakit ka. Akala mo ba nakakatuwa na makita kang inaapoy ng lagnat?"
"I'm sorry." naging seryoso ang titig niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Sigurado ka ba na wala ng masakit sa'yo? Wala ka na bang nararamdaman?" tanong ko sa kanya at hinapo naman ang leeg niya.
"Meron pa." maikling sagot niya at hindi pa din inaalis ang titig sa akin.
Hindi ko naman maiwasang mag-alala dahil baka may iba pa siyang nararamdaman.
"Saan? Gusto mo ba dalhin na kita sa ospital?" tanong ko sa kanya at hindi ko na maitago pa ang pag-aalala ko.
"Dito." itinuro niya ang labi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa dibdib.
"Puro ka naman kalokohan eh!" sita ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Dito na lang muna tayo. I'll just order our food para hindi ka na mapagod." malambing niya sagot at mas lalo pa akong niyakap.
Walang nagsasalita sa amin pero hindi naman nakakailang iyon. Kung tutuusin ay napakagaan at komportable ng pakiramdam ko kahit magkayakap lang kami sa mga oras na 'to.
"Are you going to sleep here tonight?" tanong niya pagkuwan habang hinahaplos ang buhok ko.
Nag-angat ako sa kanya ng tingin kaya napatingin din siya sa akin.
"Uuwi ako. Papakainin lang kit at papainumin ng gamot bago ko umalis." sagot ko sa kanya.
Biglang humigpit ang yakap niya sa akin at bumaba siya ng kaunti para isiksik ang ulo niya sa leeg ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil para siyang bata sa inaasta niya.
"Can you just please stay here beside me?" mahinang usal niya at mas lalo pang sumiksik sa akin.
"Kuwawa naman si Nichola. Walang kasama sa bahay. Delikado pa naman ang panahon ngayon."
"Mag-isa lang din naman ako eh. Paano naman ako?" angal niya kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Matanda ka na at isa pa safe naman dito dahil mahigpit ang security ng subdivision niyo."
"Dito ka na lang matulog. Pauwiin mo na lang si Jaxon sa bahay ninyo para may kasama si Nichola. Paano kung lagnatin ulit ako at wala akong kasama?" parang bata niyang angal kaya napabuntong hininga ako.
"Zel naman."
Lumayo siya sa akin at tinalikuran ako. Narinig ko pa na bumubulong-bulong siya pero hindi ko naman maintindihan.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomanceEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...