Chapter 11

10.8K 241 4
                                    

Mag-aalas dose na ng madaling araw pero wala pa din akong balita kay Jaxon. Hinanap ko na siya sa mga kaibigan niya pero wala din silang ideya kung saan nagpunta ang kapatid ko.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Ngayon lang kasi ito hindi ma-contact at umuwi ng maaga sa bahay. Ang lalo pa nagpapakaba sa akin, ang malaman na nakahanap ito ng trabaho.

Paano na lang kung masamang gawain pala iyon o hindi kaya ay napahamak na ang kapatid ko.

Napahilot ako sa sintido ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Unknown number iyon.

Dali-dali kong sinagot iyon dahil baka si Jaxon na iyon.

"Hello?"

"Eos"

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko palabas sa katawan ko nang marinig ang boses na iyon.

"A-anong kailangan mo?"

Narinig ko ang pagtawa nito na para bang ako pa ang may kailangan sa kanya.

"Are you looking for your brother?"

Hindi ko maiwasang mangunot ang noo at mainis sa tanong niya. Paano niya nalamang hinahanap ko ang kapatid ko.

"Nasaan ang kapatid ko?"

"He's working for me." simpleng sagot nito kaya lalo lang akong nainis.

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na sa kanya nagtatrabaho ang kapatid ko o maiinis dahil para bang pinaglalaruan niya kami ng pamilya ko.

"Ano bang kailangan mo? Niloloko mo ba ko ha? Pwes kung ano man ang trip mo sa buhay, huwag mo na kami idamay ng pamilya ko. Utang na loob."

"Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin?" himig ko ang pang-uuyam nito.

Napatigil naman ako at napalunok. May part sa akin na parang nakokonsensya ako sa sinasabi ko sa kanya pero hindi ko naman maiwasang maghinala.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napabuntong hininga ako bago siya kausapin ng mahinahon.

"Nasaan ang kapatid ko? Kung kasama mo man siya ngayon, pakiusap pauwiin mo na siya. Madaling araw na at may pasok pa siya kinabukasan. Ayokong maapektuhan ang pag-aaral niya."

"No. He won't be able to come home tonight. May kailangan siyang tapusin ngayong gabi. I'll let you two talk so you would stop thinking na may ginawa akong masama sa kapatid mo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa tinuran niya. Nagu-guilty man ako pero hindi ko alam kung mababawi ko pa ba ang mga sinabi ko.

"Hello, Ate? Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa'yo agad ang tungkol dito. Na-lowbat din kasi iyong cellphone ko kaya hindi ako maka-tawag o maka-text man lang sayo. Tsaka na po ako magpa-paliwanag pag-uwi ko diyan."

Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kapatid ko.

"Ayos ka lang ba diyan? Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo at may pasok ka pa bukas ha? At siguraduhin mong sasabihin mo sa akin ang lahat bukas pag-uwi mo."

"Opo, ate. Salamat po. Sorry po talaga."

"Sige na. Mag-iingat ka Jaxon."

"Opo. Kayo din po ni Nichola. Mag-lock po kayo ng pinto at isarado niyo din po ang mga bintana bago po kayo matulog."

Pagkatapos namin mag-usap ng kapatid ko ay nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Hindi na din naman ako kinausap pa ni Zel kaya hindi na din ako nakahingi ng tawad sa kanya.

Siguro bukas susubukan kong kausapin siya. Alam ko naman na kahit paano masama pa din iyong nasabi ko sa kanya.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa trabaho. Alam ko kasing maaga din nagpupunta sa opisina si Zel at gusto ko sana muna siya makausap tungkol sa kapatid ko.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon