Madaling araw pa lang ay gising na ako para ihanda ang almusal ng mga kapatid ko pati na din ang paga-apply ko sa isang hotel na sinasabi ni Adel.
Napabuntong hininga na lang ako at inihanda ang ngiti ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Morning Ate." sabay na bati ng dalawa at halatang pupungas-pungas pa.
"Morning, sige na at kumain na kayo ng almusal niyo para naman may maisagot kayo mamaya." nakangiti kong sabi sa kanila at humigop ng kape.
"Ate, maaga pa po ha? Atsaka bakit po ata nakapustura ka ngayon?" tanong ni Jaxon habang nagsasandok ng kanin.
"May nahanap daw kasi ang Ate Adel niyo na magandang trabaho sa isang hotel eh sayang naman kung hindi ko susubukan diba? Malaki din daw ang kita doon." sagot ko sa kanya.
"Edi ba po, sumasayaw sila Ate Adel sa bar? Sigurado po ba yan?" alanganing tanong naman ni Nichola at halata ang pag-aalala niya.
"Alam niyo, sumasayaw lang naman sila Adel at Habi sa bar pero matino silang babae. Atsaka mababait ang mga iyon at hindi ako ipapahamak."
"Eh ano po ba iyong aaplyan niyo?"
"Maintenance helper daw eh."
"Saan naman po?"
"Lambon Hotels? Larbon?" hindi ko siguradong sagot dahil nakalimutan ko iyong tinext ni Adel kagabi nang tanungin ko siya.
Napapitlag ako nang biglang magtitili si Nichola at niyugyog pa ang balikat niJaxon kaya sinita siya nito.
"Ano bang problema mo at ganyan ka umasta? May sayad ka na naman ba?" nakakunot noong wika ni Jaxon kaya agad ko itong sinaway dahil baka mag-away pa sa kanila.
"Alam mo ba Ate, sikat ang kompanyang iyan dahil sa hindi lang 5 star hotels ang pagmamay-ari nila pero gwapo din po iyong bagong CEO nila!" excited na wika nito kaya natawa ako.
"Tapos?" tanong ko dito at sumilip sa relo. May oras pa naman ako.
"Lambourne Hotels and Resorts yun, Ate Eos! Grabe! Nakita ko pa noong nakaraang buwan iyong isang issue ng magazine na dala ng kaibigan ko na iyong mga kabarkada niya eh gwapo at mayaman din!"
Natawa na lang ako atsaka ininom ang natitira kong kape.
"Ayun lang naman pala, Nichola. Mamaya itsura lang pala ang meron pero X sa ugali. O siya, aalis na ako at nakakahiya naman kung malate pa ako sa tagpuan namin nila Adel. I-lock niyo ang pinto ha? Mag-iingat kayo." paalala ko sa kanila.
"Opo, Ate."
"Ate galingan mo ha? Baka malay mo makita mo yung CEO kaya magpa-make up ka muna kay Ate Adel o Ate Habi."
napailing na lang ako sa kalokohan nito at umalis na ng bahay. Napabuntong hininga ako. Sana matanggap man lang sana ako sa trabaho.
PAGKARATING ko sa tapat ng isang mataas na building ay hindi ako makapaniwala sa sobrang taas nito at napaka-elegante nito sa labas pa lang. Napatingin ako sa gilid ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Eos girl!" bati ni Habi
"Ay babae, hindi ka man lang nag-suot ng palda. Sabi pa naman nila madaming papabols dito." biro ni Adel kaya napailing na lang ako.
"Sira ka talaga. Trabaho ang ipinunta natin dito kaya umayos ka. Halika na nga sa loob at baka mahuli pa tayo sa interview."
Pagpasok pa lang namin sa lobby ay halos hindi ko mapigilang mapanganga at mamangha sa mga nakikita ko. Sumisigaw ito ng karangyaan at kamahalan ng bawat detalye ng lugar.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomanceEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...