"Yung mga ibinilin ko sa inyong tatlo, huwag niyong kakalimutan ha? Kung gusto niyong tumagal sa trabaho, huwag na huwag kayong gagawa ng kalokohan lalo na sa harap ng mga matataas ang posisyon sa kompanya." paalala sa amin ni Ms. Ina na head ng maintenance team.
"Opo." sabay-sabay naming sagot bago kami papuntahin sa mga nakatokang lugar namin.
"Hindi pa din ako makapaniwala mga be, biruin niyo yun tatlo tayong natanggap sa trabahong to? Sabi sa inyo in need din sila ng mga magaganda eh." sabi ni Adel kaya natawa kami ni Habi.
"Sige na, mag-umpisa na tayo. Mamaya na lang tayo mag-usap sa kung ano pang bagay at baka mabigyan agad tayo ng warning kapag nagdaldalan pa tayo."
Dumiretso sila sa mga floor kung saan sila nakatoka gayun din ako. Pasakay na sana ako ng elevator nang nagsilabasan ang mga tao roon at para bang namumutla.
"G-good morning, Sir." bati ng mga ito kaya napatingin ako sa likod ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang masilayan ang lalaking ayoko ng makita pa.
Agad akong tumabi sa mga tao at binigyan ito ng daan. Siguro nga at bigating tao siya kaya mas lalo ko na dapat siyang iwasan pa.
Nakayuko lang ako at mahigpit na nakahawak sa laylayan ng damit ko nang marinig ko ang pagtawag nito sa apelyido ko.
Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa nakukuhang atensyon sa mga ito. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinag-uusapan ng mga tao.
"I called you Ms. Amaro, so don't let me repeat myself." naiinip nitong wika kaya ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Napakagat na lang ako sa labi ko at natatakot na nag-angat ng ulo.
"P-po?"
"What floor are you?" he simple asked habang nakapamulsa.
"20th floor po, Sir." napayuko pa ako at pilit na itanatagong hiya.
"Get in." wika nito at narinig ko na mas lumakas ang mga bulong-bulungan.
"First time 'to."
"Sino kaya ang babaeng yan 'no?"
"Hindi naman kagandahan, pero pinapansin ni Sir? Oh my gosh. Can you slap me now, please?"
"Don't make me lose my patience, Eos. Sasakay ka ba o hindi?" may pagbabanta sa tono ng boses nito kaya dali-dali akong sumakay roon at hindi na nag-abala pang tumingin sa ibang tao kahit pa sa kanya.
Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko at ang tensyon sa loob ng elevator kahit pa kasama lang nito sa gilid iyong sekretarya niyang lalaki.
Nang tumunog ang elevator na hudyat ng pagtigil nito sa 20th floor ay kating-kati na akong umapak palabas ngunit hindi ko inaasahang hahatakin niya ako patabi sa kanya at hinayaang mag-sara muli ang elevator.
Napaangat ang tingin ko sa kanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa ginawa nito. Kahit isa pa siya sa mga importanteng tao sa kompanyang ito, karapatan ko pa din ang magtrabaho at hindi magpatinag sa kung ano pa ang gusto niya.
"Bitawan niyo po ako, Sir. Kailangan ko pa pong magtrabaho kaya pwede po bang huwag niyo akong mahawak-hawakan." naiinis na wika ko dito ngunit nakita ko lang ang pagngisi niya.
"I can't believe this." usal nito at pinakatitigan ako maigi. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapaatras.
"Why are you here, Ms. Amaro?" biglang tumapang ang mukha nito na tila ba may ginawa akong kahibangan.
"A-ano pa ba edi magta-trabaho." mahinang sagot ko dito dahil ramdam ko ang panginginig ng buong sistema ko sa takot at pagkasabik. Napailing na lang ako at yumuko dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomanceEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...