Chapter 17

9.1K 214 5
                                    

Alas sais na ng gabi nang matapos ang event sa Hope orphanage at masaya akong makita ang mga bata na masaya sa araw na ito.

"Ate Eos, punta po kayo ulit dito ha? Tapos laro po ulit tayo." yumakap sa akin si Franco at hindi ko maiwasang mapangiti.

Marahan kong pinisil ang pisngi niya. Napaka-cute kasi niyang bata at bibo pa. Para siyang hindi mauubusan ng kwento.

"Oo naman, basta isasama ulit ako ni Kuya Zel niyo." biro ko pa at napatingin din kay Zel na nasa tabi ko.

"Of course I'll bring her again here. Basta magpapakabait ka ha?" sabi nito kay Franco at ginulo ang buhok nito.

"Opo, Kuya Zel! Magiging good boy po ako para po mabilis ako lumaki." nakangiting sagot ni Franco kaya napangiti akong muli.

Ilang sandali lang ay lumapit sa amin si Mother Superior at nakapaskil sa mukha niya ang sobrang kagalakan. Hinawakan niya ang kamay namin ni Zel at marahan iyon pinisil.

"Maraming salamat sa oras at tulong na nilaan niyo ngayon araw. Napakalaking bagay na ng naitulong niyo sa mga bata at tatanawin ko iyong malaking utang na loob." sinserong wika nito.

"Walang ano man po. Pinangako ko naman po sa inyo diba? Ako po ang magtutuloy sa sinimulan ni Ate Zanie at hindi ko po pbabayaan ang orphanage."

Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Mother Superior at ngumiti kay Zel.

"Kung nabubuhay pa siguro ang Ate Zanie mo, tiyak na ipagmamalaki niya lalo na may isa siyang kapatid na katulad mo. Napakabait mong bata. Pagpalain ka ng Diyos, anak."

"Sige po, mauna na po kami. Mag-iingat po kayong lahat." sabi ni Zel at ngumiti kay Mother Superior.

"Mag-iingat din kayong dalawa ng nobya mo ha? Dahan-dahan sa pagda-drive. Gabayan kayo nawa ng Panginoon."

Tahimik naming tinahak ang daan papunta kung saan naka-park ang kotse niya. Hindi ko alam pero parang nadagdagan ang pagkailang ko sa kanya simula kanina at halos hindi ko din siya matignan ng diretso sa mata.

Nang makasakay kami sa kotse niya ay agad niya iyon pinasibad ng walang sinasambit na kahit anong salita.

Gusto ko man basagin ang katahimikan pero hindi ko din naman alam ang sasabihin ko.

"Let's go to the nearest coffee shop." maikling sabi nito kaya tinanguan ko lang siya.

Ilang minuto lang ay huminto siya sa isang coffee shop na wala masyadong tao. Nang makababa kami ay halos nagsisilungunan iyong mga dumadaan kay Zel. Hindi na din naman iyon nakakapagtaka.

Nagsusumigaw ata ang aura ng lalaking ito na kahit sino eh mapapatingin.

"What do you want?"

"Hot Chocolate lang sa akin." sagot ko sa kanya at naghanap na ng mauupuan.

Ilang sandali lang nga ay nakita ko na siyang papalapit sa pwesto ko habang bitbit ang order naming dalawa. Tahimik niyang ibinaba ang inumin sa table at umupo sa tapat ng kinauupuan ko.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang kapwa lang kaming nakatitig sa inumin namin.

"Am I forcing you too much?" basag niya sa katahimikan kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nakatitig lang siya akin at ayan na naman ang pamilyar na kabog ng dibdib ko. Uminom muna ako bago ko siya sagutin.

"Pinipilit saan?"

"For being with me, in general."

Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

"Aaminin ko, minsan. Sa totoo lang, wala naman kasing tayo. Ni hindi nga tayo magkaibigan pero iyong mga ginagawa natin hindi tama. Complete strangers nga tayo sa isa't isa at kung hindi naman ako nagtrabaho sa kompanya mo, hindi naman ulit magku-krus ang landas nating dalawa." pag-amin ko sa kanya at nanatili lang ang seryosong ekspresyon sa mukha niya.

Hindi siya nag-salita kaya ginamit ko na ang pagkakataon na iyon para sabihin ang lahat sa kanya pwera lang sa totoong nararamdaman ko.

"Maniwala ka man o hindi pero wala talaga akong balak na masama sa'yo o sa kompanya mo. Kung iniisip mo na katulad lang ako ng ibang babae na nakama mo, hindi ako naghahabol. Totoo iyon. Binayaran mo lang naman ako ng isang gabi para makipag-sex sa'yo pero hindi naman iyon naging dahilan para guluhin ka. Ang gusto ko lang naman, maging civil na lang taoy sa isa't isa. Empleyado mo pa din ako e. Hindi maganda tignan na mayroon na lang bigla na susulpot na balita na may ginagawa tayong monkey business. Ayoko ko din naman pagchismisan sa opisina mo. Ikaw pa din ang may-ari at hindi pa din naman pwedeng madungisan iyon ng dahil lang sa akin." mahabang wika ko.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at ang pagsalubong ng kilay niya.

"So gusto mo bang iparating na putulin na natin lahat ng ugnayan natin? Ganoon ba iyon, Eos?" ramdam ko ang galit niya.

Hindi ko maiwasang magtaka kung ano bang ikinagagalit niya. Hindi ba dapat masaya siya kasi hindi ako naghahabol katulad ng mga babae niya?

"Ganoon na nga." mahinang sagot ko at napatingin na lang sa inumin ko dahil ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"Bullshit." usal niya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya sa ibabaw ng lamesa.

"Para din naman sa ikabubuti mo 'to. Boss kita at pinapasahod mo ako. Isa pa, mali itong ginagawa natin. Aminado din naman ako na gusto ko iyong..." napakamot ako sa ulo ko at ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

"Iyong mga nangyari sa pagitan natin pero hanggang doon na lang siguro iyon. Mas gusto kong itigil na lang natin ang ginagawa natin at magpo-pokus na lang ako sa pagtatrabaho. Ayoko din naman ng ganito na may tinatago sa mga kapatid ko. Mamaya ay isipin pa nila na binabayaran mo ako kaya ginagawa natin iyon. Ayoko rin isipin ng mga tao sa paligid natin na may relasyon tayong dalawa. Hindi tama iyon."

Hindi siya sumagot at nakikita ko lalo ang galit sa mukha niya.

"Are you really sure about that? Do you want us to stop everything and just forget about it?"

Tumango ako sa kanya. Ramdam ko ang pagkudlit ng sakit sa dibdib ko pero mas nanaig pa din sa akin na putulin ang ugnayan namin dalawa.

Mas maaga pa lang ay mas mabuti pang tapusin na ang lahat bago pa ako masaktan ng sobra at hindi makaahon sa nararamdaman ko para sa kanya. Mas mabuti na ngayon pa lang, putulin ko ang kahibangan ko na pwedeng magkaroon ng kami.

"Fine. If that's what you really want. Hindi na kita kahit kailang guguluhin. I won't even talk to you unless if it's about your work or any serious problem. We're going to treat each other as if we're completely strangers."

Napalunok ako ng ilang beses at ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko at mariin iyong pinagsalikop.

"Come on. Ihahatid na kita sa inyo." malamig na saad niya at tumayo na.

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa kotse niya at mas lalong hindi ako naging komportable sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay ganoon pa din siya. Seryoso at malamig ang mga tingin habang nakatingin sa harapan.

"Ah, ano... maraming salamat nga pala sa araw na 'to. Ingat ka sa biyahe." pababa na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang kaunting paglambot ng mga tingin niya sa akin. Akala ko may sasabihin pa siya pero hinatak niya lang ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Hindi siya nagsalita gayun din ako at nanatili lang kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago niya ako pinakawalan.

Tahimik akong bumaba at mabilis niya naman pinasibad ang kotse niya paalis sa lugar namin. Napabuntong hininga ako at bagsak ang mga balikat na pumasok ng bahay.

Sinalubong ako ng katahimikan at pagod akong napaupo sa sala. Panindigan mo 'yan, Eos Carisa. Gusto mo 'yan diba?

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon