"Kanina ka pa umiinom, girl. Tama na 'yan." inagaw sa akin ni Ate Cholita iyong baso ko at pilit akong pinapasandal sa couch.
"Ate naman..." ungot ko sa kanya at inagaw ulit ang baso.
"Let her do what she wants, Ate Cho. Dumaan din naman tayo sa heartbreak na 'yan." sabi ni Ate Yell at uminom sa hawak niyang champagne glass.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Ate Pia sa akin.
"Ikakasal na siya eh. Ang tanga ko lang po kasi binigay ko ng ilang beses yung sarili ko sa kanya pero may fiancée na pala siya." napahagulgol ako at nagsalin ulit ng maiinom sa baso ko.
"Ate Pia, ganito ba talaga kasakit?" namimigat na ang mga mata ko pero pinipilit ko pa din umayos.
"Syet ka! Kanina mo pa kami tinatawag na Ate! Hindi naman kami ganoon katanda ha! Umayos ka nga dyan! Lalaki lang 'yan! Ihahanap kita kung gusto mo." siya naman ang umagaw ng baso ko kaya napasubsob na lang ako sa table.
"She's totally wasted. Alam niya ba na hindi tuloy ang engagement ni Kuya Zel? It's not like nag-cheat talaga sila. Wala naman na si Kuya Zel and Francia for almost 3 years. Arranged marriage lang naman ang nangyayari and I swear, Kuya won't be stupid enough para ituloy ang kasal." rinig kong sabi ni Liona.
"Itutuloy niya, Liona. Imposibleng hindi! Pareho silang galing sa mayamang pamilya, parehong maganda ang lahi, at higit sa lahat gusto ng mga magulang niya si Francia para kay Zechariah." isinandal ko ang ulo ko sa couch at ramdam ko ang pagkahilo ko.
"Look at yourself, Eos. Ang dami mo na ngang kalmot sa katawan, hilam pa mg luha iyang mukha mo. Tama na nga at iuuwi ka na namin." hinawakan ni Ate Cholita ang braso ko pero marahan ko lang siyang itinulak.
"Ayokong umuwi. Mag-aalala ang mga kapatid ko kapag nakita nila akong ganito. Atsaka ayos pa naman po ako. Kaya ko pang uminom." usal ko.
"Call Zel." rinig kong utos ni Ate Yell.
"Ate Yell! What are you talking about?! Bakit ko tatawagan si Kuya? Ate Eos is not in a good state right now. Sasabog lang sila pareho!"
"Just follow me, Liona."
"No, Yell. Stop it. Hindi tayo makikielam. We just have to help Eos to move on kaysa naman hayaan natin sa gagong Zel na 'yon."
"So, can you think of any idea? Pia, mas mabuti pa na mag-usap silang dalawa. They need closure."
"Paano kung nakapag-usap na sila kaya siya ganyan? Why don't we just send her to IloIlo? Hindi ba at kailangan niyo ng staff sa restaurant mo doon?"
"I agree with Ate Xiara. Why don't we just help her to heal and start a better life?"
Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.
NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko pero agad ko din ipinikit dahil sa pagkirot ng ulo ko.
Kailangan kong humingi ng tawad kay nila Pia. Ang laking perwisyo na ng nagawa ko kagabi. Nakakahiya pa sa kanila at iniuwi nila ako sa bahay sa sobrang kalasingan.
Agad kong kinapa ang cellphone ko sa gilid ng kama at nagtipa ng mensahe. Nang mai-send ko iyon ay sinubukan kong tumayo para makaligo at makapagpalit na.
"Gising na ang lasingera kong Ate!" humagikgik pa si Nichola at muling humarap sa niluluto niyang almusal.
"Dalian mo, Ate. Pinapasabi ng isa mong bagong kaibigan na si Ate Yell na susunduin ka daw nila ng bandang hapon. May pupuntahan daw kayo."
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomanceEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...